Lyrics: Noel Cabangon
Music: Noel Cabangon
Huwag ka nang magtago Lumabas ka na Hwag ka nang matakot Magsalita ka na Mahirap ang nasa gitna Dapat ikaw ay magpasya Kailangan ay pumanig ka Kundi maiipit ka! Imulat ang mata Sa katotohanan Kung may pagdamay ka Ipagtanggol ang kapwa Hwag nang magbubulag-bulagan pa Ang problemaβy nasa harap mo na Hwag mo nang iwasan pa Baka bukas abutan ka? Chorus: Hwag kang mabahala Di ka nag-iisa Ang puso at diwa Lahat itataya Hwag mag-alinlangan Kakampi mo ang buwan At ang kadiliman Liwanag ang hangganan Hwag mong bibitiwan Wastong paninindigan Hwag magpakalasing Sa kapangyarihan Lahat ng bagay na hinagis mo Babagsak din sa yong ulo Iikot din ang mundo Ang panahoβy magbabago. Chorus: Hwag kang mabahala Di ka nag-iisa Ang puso at diwa Lahat itataya Hwag mag-alinlangan Kakampi mo ang buwan At ang kadiliman Liwanag ang hangganan Hwag ka nang malumbay Gagaan din ang buhay Sisikat din ang araw Iyong matatanaw Hwag ka nang malumbay Gagaan din ang buhay Sisikat din ang araw Gagaan din ang buhay Sisikat din ang araw Gagaan din ang buhay