Lyrics: Marlon Peroramas/Gabriel Corpuz Abilla
Music: Marlon Peroramas/Gabriel Corpuz Abilla
CHORUS (Hev Abi):
Nasa’n ka kaya?
At ang linya ko bukas Kung ano mang nasabi ko
Nadulas lang ako ‘pagkat naaalala ka
Nais sana kitang tawagan baka lang maabala ka At ang bawat sandali natin kahit masakit Nagdadalawang-isip pakawalan
At maya’t maya naaalala ka
Nais sana kitang tawagan baka lang maabala ka
VERSE 1 (LOONIE):
Paumanhin
Nais lang naman kitang kamustahin
Meron bang bago sa’yo eto ako ganun pa rin Ilang araw na’kong lasing
Kahit pulang kabayo di na’ko kayang patumbahin kahit ilan pa tunggain At sa tuwing ikaw ang topic sensitibong usapin
Kahit puso’y duguan sinubukang apurahin
Hindi ko na inaasahan pang tuluyang gumaling ang mga naglangib na sugat na muling tutuklapin
Laging kulang sa pansin sa t’wing ako ay abala Kasi di mo ‘ko maangkin nung tayo pang dalawa
O ganon ba talaga? Tsaka ko na lang nadama ang tunay mong halaga nung wala ka na Ngayon parang tangang nagdadrama
Inaalala ang mga araw Nung tayo’y mag-kasama pa
Di makahanap ng iba, baka mahal pa rin kita Nakahiga nang mag-isa sa’king kama at nagtataka
CHORUS (Hev Abi):
Nasa’n ka kaya?
At ang linya ko bukas Kung ano mang nasabi ko
Nadulas lang ako ‘pagkat naaalala ka
Nais sana kitang tawagan baka lang maabala ka At ang bawat sandali natin kahit masakit Nagdadalawang-isip pakawalan
At maya’t maya naaalala ka
Nais sana kitang tawagan baka lang maabala ka
VERSE 2 (LOONIE):
Paumanhin
Di ka malimot kahit anong gawin
Apoy ng pagibig natin tila naging abo na rin
Habang meron pang baga wag mo munang apulahin Umaasa na sana ang mahal mo ay ako pa rin Ngayon naging lalaki na dating ako’y takot maging Uuwi ng maaga, di na magsisinungaling
Nagiisip ng paraan kung pano ka komprontahin Nagtataka kung pano ka kokontakin Pagkatapos mong lumisan
Hinanap-hanap mga piraso ng pagkatao kong naiwan ‘Pagkat tao lang din minsan (minsan)
Natutuksong tumawag para makipagbalikan Kaso busy na yung line
Tinitiis ko ang ginaw at ang lumbay Nakakamiss pag kinikiss mo ng goodbye Sunog na nga ba ang iniwan na tulay
Umaasa na ang katanungan din sa isipan mo ay...