Lyrics: VINCE OREVES
Music: VINCE OREVES
Pawis na pawis sa paghakbang
Sa sinimulan na daan
Bitbit ang karangalang
Sayong sa’yo nakalaan
Hingal ka man sa pagtakbo
Mararating din ang dulo
Huminga ng malalim
Ang puso mo ay syang sundin
Takbo, Takbo
Mabilis ang takbo ng mundo
Di ‘to hihinto para sa’yo
Mapagod, mahingal, lumaban,
Patuloy ang daloy ng buhay
Sa pagtakbo, (takbo) ‘wag kang hihinto
Walang humahabol,
Kailangang umusad,
Kailangan kong tumakbo.
Hindi man karera’t
Wala mang kalaban,
Kailangan kong tumakbo
Dasal ang puhunan,
Kasama sa laban
Kasama kong tumakbo.
Walang humahabol,
Kailangang umusad,
Kailangan kong tumakbo.
Hindi man karera’t,
Wala mang kalaban,
Kailangan kong tumakbo
Dasal ang puhunan,
Kasama sa laban
Kasama kong tumakbo.
(Takbo) Hindi man karera’t wala mang kalaban
(Takbo) Dasal ang puhunan kasama sa laban
(Takbo) Kailangan mong tumakbo
Mabilis ang takbo ng mundo,
Di ‘to hihinto para sa’yo
Mabilis ang takbo ng mundo,
‘Wag kang hihinto
Mabilis ang takbo ng mundo,
Di ‘to hihinto para sa’yo
Mabilis ang takbo ng mundo,
‘Wag kang hihinto
Takbo, Takbo, Takbo
‘Wag kang hihinto
Takbo, Takbo, Takbo
‘Wag kang hihinto.
‘Wag kang hihinto.