Star Ng Pasko

Lyrics: Robert Labayen/Marcus Davis/Amber Davis Music: Amber Davis/Robert Labayen/Marcus Kim Davis Jr. Kung kailan pinakamadilim Ang mga tala ay mas nagniningning Gaano man kakapal ang ulap Sa likod nito ay may liwanag
Ang liwanag na ito Nasa 'ting lahat May sinag ang bawat pusong bukas Sa init ng mga yakap Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw Walang iba kundi ikaw Salamat sa liwanag mo Muling magkakakulay ang Pasko Salamat sa liwanag mo Muling magkakakulay ang Pasko
Tayo ang ilaw sa madilim na daan Pagkakapit-bisig, lalong higpitan Dumaan man sa malakas na alon Lahat tayo'y makakaahon
Ang liwanag na ito Nasa 'ting lahat May sinag ang bawat pusong bukas Sa init ng mga yakap Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw Walang iba kundi ikaw Salamat sa liwanag mo Muling magkakakulay ang Pasko
Salamat sa liwanag mo Muling magkakakulay ang Pasko
Kikislap ang pag-asa Kahit kanino man Dahil ikaw, Bro, dahil ikaw, Bro Dahil ikaw Bro Ang star ng Pasko