Ilalaban Ko

Lyrics: Teddy Corpuz Music: Teddy Corpuz Paumanhin kung biglang umalis Di na kinaya ng puso magtiis Lilipad na lang parang ibon sa kalawakan
Alam ko na mali ipinilit ko pa rin Alam kong masakit ngunit di rin nakinig Iiyak na lang basag na puso’y hahawakan ngunit
Kakayanin bumuhat Maghihilom ang sugat Di ka nag iisa Kasama natin si Bathala
Sa pagsikat ng umaga Kakapit sa pag asa Kahit maligaw Di pa rin bibitaw Ilalaban ko
Kahit matarik kakayanin akyatin Kahit na mabagal pagti-tiyagaan Dahan-dahan lang Ang buhay ay di pabilisan
Kung buhos ng ulan ay tila malakas At ika’y tinatangay ng alo’ng malakas Lalangoy na lang Magpapaanod kay tadhana
Kakayanin bumuhat Maghihilom ang sugat Di ka nag iisa Kasama natin si Bathala
Sa pagsikat ng umaga Kakapit sa pag asa Kahit maligaw ‘Ding hindi bibitaw
Kakayanin bumuhat Maghihilom ang sugat Di ka nag iisa Kasama natin si Bathala
Sa pagsikat ng umaga Kakapit sa pag asa Kahit maligaw ‘Ding hindi bibitaw
Tatapangan ang puso Aahon sa pagsubok Kahit madapa Itatayo’ng mga paa Ilalaban ko