Ika'y Nag-iisa

Lyrics: Carlo Martin De Leon Espinosa Music: Carlo Martin De Leon Espinosa Hahh…ohh… Sa t’wing naaalala ka Anong saya aking nadarama Sa kantang ito idadaan Himig ng aking puso Maghihintay sa ‘yong pagbabalik Hinahanap ang tamis ng iyong halik Magkaiba man ang ating mundo Ikaw pa rin ang iibigin ko Wala nang pipigil sa ’kin Dahil ikaw ang pipiliin Pag-ibig natin ang magpapasya Na tayo’y sa isa’t-isa Pilit man na paglayuin Ikaw pa rin ang hahanapin Sa puso ko ika’y nag-iisa Ika’y nag-iisa Nais kong malaman mo Hanggang dulo ako’y nandirito Landas man natin ay magkalayo Ikaw lang ang laman ng puso ko At kahit ga’no pa katagal Ako’y maghihintay sa ‘yo, aking mahal Pinaglayo man ang ating mundo Ikaw pa rin ang iibigin ko Wala nang pipigil sa ’kin Dahil ikaw ang pipiliin Pag-ibig natin ang magpapasya Na tayo’y sa isa’t-isa Pilit man na paglayuin Ikaw pa rin ang hahanapin Sa puso ko ika’y nag-iisa Ika’y nag-iisa Kahit gaano kalayo Alam kong tayo’y magtatagpo Sabay tayong maglalakbay Palayo sa ating mundo... Wala nang pipigil sa ’kin Dahil ikaw ang pipiliin Pag-ibig natin ang magpapasya Na tayo’y sa isa’t-isa Pilit man na paglayuin Ikaw pa rin ang hahanapin Sa puso ko ika’y nag-iisa Ika’y nag-iisa Hoh…ika’y nag-iisa… Hoh…