Lyrics: Glaiza Galura/Marc Silva Music: Glaiza Galura/Marc Silva Araw-araw kang naiisip O pwede bang tumigil saglit Anong silbi ng nararamdaman Ang ingay na napapakinggan Hindi hadlang sa pagkukulang Hindi pa ba sapat na nagmahal
Ang dami nang nangyari Pero ‘di pa rin pupwede Kahit pa ilang beses itanong Wala mang imposible Pero ‘di natin masabi Darating at magkikita rin do’n
Ang dami nang nangyari Pero ‘di pa rin pupwede Kahit pa ilang beses itanong Hayaan lang ang oras maglaan ng konting lunas Idadaan na lang sa bulong
Anumang malala ang parating Mata ko’y hindi na sasalingin Madalas man sa tukso bahain ‘Di madala sa bugso para ulanin
Nakatingala sa bituin Sa pagitan ng ako’t ikaw na isinantabi Tawagan ng nararamdaman Ang nilalaman ng palitan sa araw at gabi
Iduyan mo ‘ko sa gitna ng napanaginipan Ng isipang lumalaya sa damdamin Na kulungan ang hantungan Nasa kalawakan lamang tayo mauwi (aye)
Ayon sa ngiti na mukhang pinapadala Kasiyahan na pinaghatian Nung maging tayong dalawa na naging isa
Tawid dagat na’t palipad paraan Para sa hangad kong ‘di mailapag Dahilan nang naipatupad ang labag Kapag mag-isa kong nabusog sa hapag
Pag-ibig ang kalasag ko ‘pag napadako Sa kada kanto dala litrato mo Nakaipit sa bulsa pagtitig Palihim nasabi na babalik ako Para lang sa ‘yo