KA-SE

Lyrics: Jhon Eric Mariano Music: Jhon Eric Mariano Verse 1: Isang panaginip Pumasok sa isip Merong halimaw na lalamon Sayo para lang maiba ang 'yong ihip Napakaganid napakapit Simula nung di na ko nanalangin Para kong unti unting pumapasok sa malalim Na parte ng aking sarili At kusang lumalaglag ang mga agiw sa utak Kahit gumamit ng mga bawal na rason ay hindi ko matulak Paangat ang mga bagay na hinayaan kong malaglag sa lusak Mas tumindi pa yata nung pinilit kong maihakbang Dahil meron akong lulang Tanikala sa dalawang paa Oh parang di malaman sang destinasyon ako mapupunta Gatilyo na pinagbabalakan kong kalabitin para Kitilin ang sarili Siya palang magdudulot ng tyansa upang Chorus: Ang mga pagkukulang ay hindi na mabakas Para lang maibigay sa sarili ang hangad Na kalayaan, oh kalayaan Unti unting tinatakasan ang magulong reyalidad Kakase ba agad 2nd Verse: Oh hindi Hindi ko na itataya ang sariling panindi Sosolohin kahit pano para naman maramdaman ko na may tama sa mali
Oo parang mali Wanag na sa akin na mahirap nang Ipaliwanag sa rasong malilito ka lang Malay mo bukas may magkusa nang Magsabi saking di ako para lang dito Mas malaki ang gintong nakaabang Naghihintay ng pagkakataong Kuminang dahil ang madilim na kwadradong silid Ay mas ginagawang giyang Ang utak kong tila di na gusto pang makasabay Sa mga matalino't magpakabobo Nalang ako hanggang Ang mga pagkukulang ay hindi na Para lang maibigay sa sarili ang hangad Kaka-se ba agad