Lyrics: Bj Castillano/Nino Andrade/Lester Alcantara/Angelo Manarpiis
Music: Bj Castillano/Nino Andrade/Lester Alcantara/Angelo Manarpiis
Gusto ko na lang manatili kung saan ka
Ngunit sa panaginip ka na lang ba
Sa pagkahalik ay napadilat, nawala na
Nawawalay sa ‘yong piling ‘pag umaga
Ang lahat-lahat ay parang tunay
Hawak at alam saʼn nabubuhay
Kung ito ay naririnig, magpatunay
Sanaʼy ‘di na lang magising
O ‘di na lang magising
Tapos na naman ang araw
Tinatawag na ‘ko ng higaan
Mga bagay na sa ʼking isipan ay
Inaasahan na muli kong mapanaginipan
Pakiramdam ko ay totoo lahat
Damang-dama ang pagdikit mo sa aking balat
Ang ngiti, ‘di matanggal mababanaag ang bakas
Kung ganito pa rin sana kapag dinilat ang mata
Kaso hindi, hinihintay na lang na gumabi
Pati sa ʼking sarili ako ay napatanong na rin
Itoʼy dahil lang ba sa imahinasyon kong makulit
Palaisipang napakahirap sagutin
Araw-araw sinisilip, bulalakaw humihiling
Mangibabaw ang pag-ibig, ika'y makapiling
Kinikilig habang humihilik katuwang isipin
At kung baʼt ganito ay hindi mo ako masisisi
Gusto ko na lang manatili kung saan ka
Ngunit sa panaginip ka na lang ba
Sa pagkahalik ay napadilat, nawala na
Nawawalay sa ‘yong piling ‘pag umaga
Ang lahat-lahat ay parang tunay
Hawak at alam saʼn nabubuhay
Kung ito ay naririnig, magpatunay
Sanaʼy ‘di na lang magising
O ‘di na lang magising
Ilang mga bangungot na muna nagdaan
Bago natagpuan ang katulad mong banal
Ang puso ko na pagal, ngayon lang nagmahal
Oo ang tanging hiling koʼy makasama ka nang matagal
Kasi sobrang epektibo mo mang-akit
Kahit ‘di ka ginusto kusa mong pinalapit
Sana magka-tsansa na sa ‘yo ako ay makakapit
Kasi pagod na katawang lupa ko, gusto nang sumalangit
Kusang dumating kahit hindi hiniling
Parang ayoko nang magising
Klaro ang lahat sa lapit mong tumingin
Sa ‘yo nakita ang hinaharap parang nananalamin
Araw-araw sinisilip, bulalakaw humihiling
Mangibabaw ang pag-ibig, ika'y makapiling lang
Saglit ay pwede na ‘kong mamatay
Sa ‘ting panaginip ‘di na maghihiwalay
Gusto ko na lang manatili kung saan ka
Ngunit sa panaginip ka na lang ba
Sa pagkahalik ay napadilat, nawala na
Nawawalay sa ‘yong piling ‘pag umaga
Ang lahat-lahat ay parang tunay
Hawak at alam saʼn nabubuhay
Kung ito ay naririnig, magpatunay
Sanaʼy ‘di na lang magising
O ‘di na lang magising
Labi ay nakangiti ‘pag katabi ka o sinta
Daig pa ang mantika sa himbing ng pahinga
Ang hiling ay ‘di masira't mamali pa ng higa
Ang pagtulog dumali, naging mahirap mag-isa
Ika'y nasa isip lagi parang hit song
Insomnia dating isipin pero ngayo'y naging morning
Dumalas na dito sana mapansin mo rin
Para magkalakad handa na mag-sleep walking
Sa ‘king tingin ikaw ang #1
Ako si Fin at ikaw si Princess Bubblegum
Papikit nang pikit, sa tagusan ng pantasya
Pintig ng dibdib parang nasa ambulansya
Araw-araw sinisilip, bulalakaw humihiling
Mangibabaw ang pag-ibig, ika'y makapiling
Kung pangarap kapalit ay bibitawan ko lahat
'Kaw na lang ang hinihiling matupad dahil
Gusto ko na lang manatili kung saan ka
Ngunit sa panaginip ka na lang ba
Sa pagkahalik ay napadilat, nawala na
Nawawalay sa ‘yong piling ‘pag umaga
Ang lahat-lahat ay parang tunay
Hawak at alam saʼn nabubuhay
Kung ito ay naririnig, magpatunay
Sanaʼy ‘di na lang magising
O ‘di na lang magising
Kasi ang saya ng panaginip , parang mga tinig
Mga hilik sa kaliwaʼt kanang tenga nanatili
Ayoko nang isipin kasi baka mahirapan makatulog
Du’n na lang tayo magkita sa ilalim ng kumot
Dahan-dahan lang mga mataʼy buksan
Ayokong mawala ka parang mahimbing ko na tulog
Habang katabi ka sa paglusong
Sa ulap, habang kausap ka
Sana walang bukas na dumating sa ʼtin
Ayoko nang tumayo kung kayang lumipad pagsapit ng hatinggabi
Iwas sa bangungot sa malungkot na umagang
Mas malamig pa sa hindi na naalalang kape kasi
Araw-araw sinisilip, bulalakaw humihiling
Mangibabaw ang pag-ibig, ika'y makapiling
Ayoko nang magpuyat mas lalong ayaw nang gumising
Kaya kahit ‘di antukin pinipilit kong umidlip
Gusto ko na lang manatili kung saan ka
Ngunit sa panaginip ka na lang ba
Sa pagkahalik ay napadilat, nawala na
Nawawalay sa ‘yong piling ‘pag umaga
Ang lahat-lahat ay parang tunay
Hawak at alam saʼn nabubuhay
Kung ito ay naririnig, magpatunay
Sanaʼy ‘di na lang magising
O ‘di na lang magising