Lyrics: Aristotle C. Pollisco Music: Aristotle C. Pollisco Ako'y isang sirena Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib Simula pa no'ng bata pa ako Halata mo na kapag naglalaro Kaya para lahat ay nalilito Magaling sa Chinese garter at piko Mga labi ko'y pulang pula Sa bubble gum na sinaba Palakad lakad sa harapan ng salamin Sinasabi sa sarili ano'ng panama nila Habang kumekembot ang bewang Mga hikaw na gumegewang Gamit ang pulbos na binili kay aling bebang Upang matakpan ang mga pasa sa mukha Na galing sa aking ama Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan Laging nalalatayan Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan Na imbes na tumigas ay tila lalong lumalambot Ang puso kong mapagmahal Parang pikit matang kulot Ako'y isang sirena Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib Hanggang sa naging binata na ako Teka muna mali dalaga na pala 'to Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin Ano bang mga problema nyo Dahil ba ang mga kilos ko'y iba Sa dapat makita ng inyong mata Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang tuwa Kahit binaliw na sa tapang kasi ganun na lamang Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang Tama nanaman itay di napo ako pasaway Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon Kasi araw araw na lamang ay walang humpay na banat At inaaabot ang ganda ko papailalim ng dagat Ako'y isang sirena Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa Aking mga kapatid lahat sila'y sumama Nagpakalayo layo ni hindi makabisita Kakain na po itay nakahanda na'ng lamesita Akay akay sa paglakad paisa isang hakbang Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan Ngayon sa iyong kaarawan susubukan kong palitan Ang lungkot na nadarama wag napo nating balikan Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y nakaduster Isang gabi akoy iyong tinawag lumapit Ako sayong tabi ikay tumangan kumapit Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita Anak patawag sana sa lahat ng aking nagawa Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso sa'kin dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila Bandera koy di tutumba