Lyrics: SJ Maglana/Kylu Garcia
Music: SJ Maglana/Kylu Garcia
Yeah
Yeah, yeah, yeah
Oh oh oh, ah
Aye, yeah
Ilang gabi nang ‘di makatulog
Basta nakatulala na lang sa sulok
Mga larawan mo na natabunan na ng usok
Ba’t ‘di ko ba malimot
Ilang gabi nang ‘di ko maintindihan
Gusto kong balikan ang mga nakaraan
Imposible, wala nang paraan
Patuloy pa rin na umaasa ako kahit baka mabigo
Pwede bang malaman kung
Kailan ka nga ba babalik
Dito sa ‘king tabi
Sandali, tayo na lang muli
Hanggang sa huli
Hindi ka na iiwan
Hahawakan ka nang mahigpitan
Poprotektahan sa kapaligiran
Pangakong ‘di ka na muli pang bibitawan
Pa’no kung ‘di ka babalik sa ‘kin
Pa’no na ba ang nakaraan natin
Ako'y nababaliw sa kakaisip ko sa ‘yo, sinta
‘Di ka mawala
Pa’no na nga ba tayo
Kasalanan ko na winasak ko na ang iyong puso
Sana mabuo ko ulit
Hawakan mo ang aking kamay
Kahit saglit man lang
Pangakong magbabago para sa iyo
Ikaw talaga laman ng puso ko
Kailan ka nga ba babalik
Dito sa ‘king tabi
Sandali, tayo na lang muli
Hanggang sa huli
Kailan ka nga ba babalik
Dito sa ‘king tabi
Hindi ka na iiwan
Hahawakan ka nang mahigpitan
Poprotektahan sa kapaligiran
Pangakong ‘di ka na muli pang bibitawan