Rewind

Lyrics: Justin Taller Music: Justin Taller Verse I: Malapit na sa dulo ang sinulat kong tula Pangarap na dapat para sa'ting dalawa Naputol bigla pigilan 'di magawa
Napagod na bang sumabay sa musika? Bakit biglang ako na lang ang mag-isa? Pag nangyari na, pwede bang ma-iba? Pagbigyan kaya ng langit na?
Chorus: Takasan ang bawat wakas at ibahin ang takbo ng oras Isasayaw ka't hahayaang umikot sa aking mundo Ibabalik ko ang lahat ng ngiti nung ika'y kapiling at kayakap pa at babalik sa umpisa
Verse II: Mahirap na'ng ma-limutan ang iyong halik Nasanay na sa umaga ay nananabik Na mayakap ka hanggang sa'ting pag tanda Hanggang dito lang ba talaga?
Chorus: Takasan ang bawat wakas at ibahin ang takbo ng oras Isasayaw ka't hahayaang umikot sa aking mundo Ibabalik ko ang lahat ng ngiti nung ika'y kapiling at kayakap pa at babalik sa umpisa
(Kung san tayo nagsimula Nu'ng magkahawak pa)
Bridge: Kung may kapangyarihan lang itama ang nakaraan Aalagaan kita Babalikan mga minutong nasayang
Last Chorus: 'Di natakasang wakas 'Di natin hawak ang ating oras Sa bawat galaw ng segundo'y sigaw ang Patawad sa iyo Ibabalik ko ang mga gunitang nabura bago matapos ang tula at babalik sa umpisa