Lyrics: Ron Benedict Manalo/MOSITIVO Music: Ron Benedict Manalo/MOSITIVO Chorus: We can make it better best believe that you'll be alright. (You'll be alright) There's a new light (There's a new light) Come and just ride (yeah) Bagong Araw, Bagong Chansa, Bangon, Laban Live Life Bagong Buhay, Mas Makulay For you and I.
1st verse Palagi lang ginaganahan sa kung ano man ang parating Mapasan man na lugar, tuloy lang na nagpundar pa rin Palihim o pabulgar basta nga somatotal Kapag galing daw sa puso iba ang kayang maging
Kaya naniniwala at palagi 'tong dala Para sa susunod ako naman ang dadalhin Kaya pagsisikapan lang kahit pa may kaba Ayun pati daga agad agad tatanggalin
Kaya sasagarin na mala Bal David Lahat ay gagawin nang ang laro ay matawid At mas magtatanim kaysa lang basta nakamasid Kasi daw walang mas gagaling sa tao na matyagain
2nd verse Bagong taon. sumasabog ang energy Gawa sa stuu ng bagong obra, mala NFT Dama mo ba agad ang init, yeah we really lit Pagpasok palang netong January. This is sick.
Whole year ganun padin kami tuloy tuloy lang Kasama mga panibagong nyo na papakinggan Iba iba man ang stilo, check, pasok parin yan Siguradong totoo at laging gagalingan
Wag matakot lumabas jan sa mundo kung nasan ka Kung kalawakan ang tunton na kaya ng mga mata Di naman na kailangan higitan pa ang bawat isa Kung alam mo na malayo na, kung saan nag umpisa.
3rd verse Itoy isang pasasalamat sa mga biyaya, Sa mga pagkakataong inakala ko na walang pag asa
Pero hindi pala kaya salamat tinugon mo Lahat ng nga binulong ko Madalas man makatanggap ng tukso sa mapang husgang mundo
ito parin at patuloy humihinga Sa bawat umaga pag-asa ang nadarama Madami mang balakid na pumatid sa aking paa Pero sa kabila ng pandemya nanatiling masigla
Yeahh Ang sarap damahin Yung pakiramdam na kinakaya ko rin
Imbis magkasakit mas lalong gumaling Para sa mga pangarap na tutuparin
4th verse Tumingala ka't humiling, yan ay kusang darating Hirap ma'y laging nadaing sa bawat pasanin Tiwala lang at rurok ay kayang kayang abutin, sa isip laging itanim
Kung ngayon man ay di mo naabot ang nais mo tandaan na palaging may pagkakataon Kung ngayon ma'y nabigo o kaya nama'y naloko Baka bukas tripleng bwenas ibalik sayo.
Oo di imposibleng sa sunod o makalawa Sa sampong subok mo malay 'don ka makaisa Masuklian na ang sikap sipag mong laging dala, Kung kaya mo pa na ibuhos ang enerhiya ay itodo mo na, Ha
5th verse Kalimutan ang kahapon Bagong araw bagong hamon Ang parating kaya tuloy ka lang palagi walang pagsubok ang di kakayanin
Kung talo ka na noon baka bukas ngayon hindi na yon ganon Hindi mo masasabi ang takbo ng panahon Kaya kung ako sayo wag mong itago sa kahon
Ang iyong sarili sige laban lang ng laban, ituloy lang mga plano wag kang basta panghinaan Para sa pangarap ay dapat ka ngang laging ganahan Yan ang lagi mong tatandaan tuloy kalang sa mga lakad mo
6th verse Panibagong kabanata kapanapanabik Kilusan lang palagi kung may nais na makamit Suntok sa buwan kung iisipin oo di madali 'To'y bahagi lang ng proseso wag kang magmadali , Kaya matutong tanggapin ang pagkakamali Marami rami pang balakid ang kakaharapin Laging pag igihan anuman ang maging kapalit Mabigo man ng paulit ulit wag masamain Matik makakarating! Dun ng di mo sukat akalain Parang panaginip yan ay Kung ika'y mananatiling Di nagpapalimita Walang makakapigil Samantalahin mo na yang init Hangga't may pag ibig May pag asang nakasilip
Chorus: We can make it better best believe that you'll be alright. (You'll be alright) There's a new light (There's a new light) Come and just ride (yeah) Bagong Araw, Bagong Chansa, Bangon, Laban Live Life Bagong Buhay, Mas Makulay For you and I.
7th verse Laging meron, pagasa na dala. Tulakan pasulong, kasabay ng pagbuga. Hakbang na kasunod at yon ay alam mo na. Kahit na gutom ngayon sakin yan ay lamon na. Laging pasarapin ang hain, busugin ang kaluluwa Food for thought, sinong di matutuwa. Mositivo nga kasi malabo ng magpabaya, pamilya kung ituring aking kapatid sa musika, Tara gawa nasa baba man o nasa gitna, sabay sabay na aming pangkat aangat sapagkat mabisa kada likha, Walang duda kitang kita na sa resulta nakaasinta kung san papunta ang aming ruta.
8th verse walang mali diyan sayo sundan mo lang ang bayo sa iyong puso sa tuwing nadadapa ka tayo maka luwag kana ganyan lang ang hiling ko sayo wag kang matakot humiling at mag dasal ka sa diyos
palaging handa sa biyahe lilipad laging dadayo gutom at uhaw sa init pahinga kung san man mapa dapo paa sa lupa tanaw sa langit ganyan kalayo pangarap ng sang mositivo ay laging matayog
oo madami nang oras ang sinugal mga taon at nai luwal sakripisyo kung gusto yan ay natural yeah mabagal ang usad pa minsan minsan pa'y butal sa aming pag titiyagay biyaya aming na bungkal
9th verse Beep beep! It all started with a party buong pusong sinabi, na ito na ang simula ng pagsibol ng pangarap at musikang nararamdaman hanggang sa may sumakay na sa byahe, grabe kahit alam nating buhay di talaga madali andyan naman ang mga kaibigan mong hindi ka iiwan kaya new times are comin' we becomin' what we wantin' kung ayaw mong maiwan sumabay ka samin sabay-sabay nating harapin ang new days, new life
10th verse Pano ba yan tayoy buo na naman Lam nyo na siguro kung ano ang pupuntahan Sa magandang araw natin to uumpisahan Hindi na bali kung suporta ay kokonti na ang
Mahalaga walang pinapalampas na sandali Laging sabik na magwagi Sa Mapa tamat mali kayo Kayo kasama san man mauwi
Kahit san pa man mapagawi dina kailangan pang magmadali Hanggat May bagong umaga pa na parating ang tsansa ay dipa huli
Laging merong bagong pagasang Nagaantay lang satin na ating matamasa Pag kayo kasama sigurado na nasa Kamay na natin ang parating pa na biyaya
11th verse Mula sa lapag papa angat kakayanan sinasagad Baka sakali na maka abante kahit papano tanging hangad
Mapa bakat ang aming pangalan sa pamamagitan ng rap Awiting banayad saktot swabe lang positibo ang tanging sangkap at
Daming pagkakamali pero di na ulit yon Bagong araw bagong tyansa bagong pagkakataon Dapat palagi mo lang lupitan dapat palaging matindi yon Dati libo lang ang trip ngayon ang trip ko na milyon
Eyy Wag mong isipin na di kakayanin Eyy Sabayan mo ng kilos mga panalangin Eyy Kahit ano pa man mga pasanin Basta patuloy ka lng palagi kayang tuparin ang di akalain
Chorus: We can make it better best believe that you'll be alright. (You'll be alright) There's a new light (There's a new light) Come and just ride (yeah) Bagong Araw, Bagong Chansa, Bangon, Laban Live Life Bagong Buhay, Mas Makulay For you and I.