Lyrics: Patrik Garcia
Music: Ian Gustavo/Patrick Garcia
Tuloy tuloy lang ang byahe Dirediretso lang
Tuloy tuloy lang ang diskarte dirediretso lang
kasi lahat ay posible na mangyare
kaya dirediretso lang dirediretso lang
Para βto sa mga taong nawawalan ng elib sa sarili
Nung natalo sa hamon ng buhay, takot lumaban ng rebanse
sa mga planong dipa nangyayare
Tila pinagdamutan ng pagkakataon nung sinubukang magbakasakali
Sitwasyong matinding nagtatampo
Pilit sinusuyo para lang muling magkasundo
Nung handa ng tumaya ayaw naman isali sa laro
Nung natutunang magsiryoso, tadhana naman ang nagbiro
Sigaw ng mga pagsubok panahon mo na para umayaw
Bulong naman ng mga biyaya ay wag na wag kang bibitaw
Litong lito ang takbo ng isipan
Paano malalaman kung hindi ito susubukan
Kayaβ¦
Tuloy tuloy lang ang byahe Dirediretso lang
Tuloy tuloy lang ang diskarte dirediretso lang
kasi lahat ay posible na mangyare
kaya dirediretso lang dirediretso lang
Hanggang sa biglang naging isang malaking tigre ang tingin
ng munting kuting nung muling humarap sa salamin
Nagtiwala sa taglay na angking galing
Naniwalang malayo pa ang kayang marating
Hingang malalim talon sa bangin
Pakpak paliparin apoy paliyabin
Taas ng mga pangarap na gustong sungkitin
Tadyak sa araw suntok sa buwan at sampal sa bituin
Tanging bitbit ay ang mga panalanging taimtim
Hanggang sa biglang unti unti ng napapansin
tuluyang nagbago ang ihip ng hangin
Natupad na ang mga dating hinihiling
Tuloy tuloy lang ang byahe Dirediretso lang
Tuloy tuloy lang ang diskarte dirediretso lang
kasi lahat ay posible na mangyare
kaya dirediretso lang dirediretso lang
Gumapang, tumayo, humakbang, tumakbo
Lumipad ng malaya hanggang sa nakalayo
Di huminto hanggang sa nagbukas ang pinto
Kung saan natagpuan ang mga nakatagong ginto
Gumapang, tumayo, humakbang, tumakbo
Lumipad ng malaya kaya nakatawid at nakalayo
Di huminto hanggang sa nagbukas ang pinto
Kung saan natagpuan ang mga nakatagong ginto