Tipo

Lyrics: John Rafael Carandang/Jessie Quintela/Jamel Noceda/Earl Febrile Adrigado/Chesternite Aguilar/Armie Key Cantonjos Music: John Rafael Carandang/Jessie Quintela/Jamel Noceda/Earl Febrile Adrigado/Chesternite Aguilar/Armie Key Cantonjos Teka teka miss ‘wag ka sanang mainis Palihim kasi kinikilig sa ngiting matamis Na buhat ng ‘yong labi grabe pa’no kaya Makakalapit makadiskarte (hmm) Nang masabi ko na sa ’yo mga gusto na sabihin Handang magpaalipin kahit ‘di mo na pilitin Dahil tuwing gigising ikaw ang binibining Gusto na kapiling hangarin na mapasa‘kin Ang babae na kakaiba mapungay na mga mata Naghahatid sa akin ng saya kaya ‘wag na Magtatakang gusto kita’t nag-iisang prinsesa Ng kahariang ako lang ang tangi na may alam Kaya
Ohh, pa’no ba ‘ko lalapit Gusto lang naman kita na kausapin yeah Ang tipo ko ay ikaw, ikaw lang kaya
Pwede ba na tanungin Ang pangalan mo ay alamin ‘Di ko mapigilan ang maakit sa ‘yo Ooh ooh Ako’y napatulala sa ‘yong ganda Gusto ko sanang lapitan ka Maaari ba na makasama kita Kahit saglit lang sana
Siguro nga alam mo na ‘yon Mga bagay na gusto ko na sabihin Kaya pwede ba na makinig ka sa ‘kin Dahil ‘di na uulitin, ikaw ay akin Ito para malinaw Dumating ka sa mundo ko na parang bulalakaw Baba ko sa ‘yo sana walang makasapaw Lakas tama ko sa ‘yo para ‘kong hinataw (aww) Kahit saan tignan, galawan mo’y parang ‘Di makabasag-pinggan Alam mo ba na lagi na kitang tinitignan Parang ang sarap-sarap mong maging ka-ibigan
Ooh, pano ba ‘ko lalapit Gusto lang naman kita Na kausapin yeah Ang tipo ko ay ikaw, ikaw lang kaya
Pwede ba na tanungin Ang pangalan mo ay alamin ‘Di ko mapigilan ang maakit sa ‘yo Ooh ooh Ako’y napatulala sa ‘yong ganda Gusto ko sanang lapitan ka Maaari ba na makasama kita Kahit saglit lang sana
Pa’no ko nga ba malalaman at pa’no tatanungin ‘Di naman ako yung tipo na kaya mong sagutin Hindi ako yung nakakaakit sa iyong paningin Tapos kapos-palad kaya pa’no kita aabutin (Gayon pa man) ‘Di man ako sigurado kung may pag-asa ba ‘ko Bahala na si kupido, sugal kahit matalo Ayoko ng balato Gustong makuha nang buo kaya ako ay Tataya hanggang sa pati pato Handa ‘kong mangharana para sa ‘yo Sabihin man nila na makaluma ‘Di na bago sa panlasa kasi nga daw Sinauna, susubukan kong ibara Sa haranang makabago O Maria Clara
Ohh, pa’no ba ‘ko lalapit Gusto lang naman kita Na kausapin yeah Ang tipo ko ay ikaw, ikaw lang kaya
Pwede ba na tanungin Ang pangalan mo ay alamin ‘Di ko mapigilan ang maakit sa ‘yo Ooh ooh Ako’y napatulala sa ‘yong ganda Gusto ko sanang lapitan ka Maaari ba na makasama kita Kahit saglit lang sana (Kahit saglit lang sana)
Sana ay malaman mo Ikaw yung tipo kong Babae at gustong-gusto Makasama sa pagtanda (It’s your boy Jess) Kaya gagawa ng paraan Umaraw, umulan handa kang puntahan Palagi mong tandaan wala nang kahit sino pang Makakahadlang, kaya sana naman ako Ay pagbigyan sa ‘king hinihiling Na ikaw ay aking malapitan saglit man O makapiling (Ngunit pa’no)
Pa’no ko nga ba ‘to sisimulan ‘Di ko na yata kayang pigilan pa Ohh…
Pwede ba na tanungin (Pwede ba) Ang pangalan mo ay alamin ‘Di ko mapigilan ang maakit sa ‘yo Ooh ooh Ako’y napatulala sa ‘yong ganda, gusto ko sanang lapitan ka Maaari ba na makasama kita Kahit saglit lang sana
Pwede ba na tanungin Ang pangalan mo ay alamin ‘Di ko mapigilan ang maakit sa ‘yo (Maakit sa ‘yo ooh) Ako’y napatulala sa ‘yong ganda Gusto ko sanang lapitan ka Maaari ba na makasama kita Kahit saglit lang sana
Kahit saglit lang sana Kahit saglit lang sana Ikaw lang ang tipo ko Sadyang nabighani nga Sa taglay na ganda mo