Sa'n Ba?

Lyrics: Benedict Sy/Allen Kevin Garcia Music: Benedict Sy Saan ba nagkulang? ano ba ang mali na nagawa? sa akin ay iyong ipaliwanag kung bakit nahati ang iyong pagtingin, nanlamig dumilim ang kinabukasan na para sa'tin kaya naman umamin ka kung ako'y mahal mo pa oo umamin ka kung ikaw ay akin pa
Mahirap ng itago Lalo na't malabo Pakiramdam ko ika'y di na akin uh Bat para bang nagbago Wala na yung dating tayo Ano ba ang mali kong nagawa?
Akala mo siguro di ko nahahalata Ang iyong handa ay malata Minsan nama'y bilasa Di ko na ipipilit aking damdamin Mahalaga sakin ngayon ika'y umamin at
Sabihin ang nararamdaman Ginawa ko ng lahat pero di parin sapat Ano pa bang kulang Masasayang nalang ba ang lahat sapagkat Sa piling mo ba'y meron ng iba Pwede ba, Pwede ba, Pwede ba Sabihin mo naman sakin kung San ba? San ba?
Saan ba nagkulang? ano ba ang mali na nagawa? sa akin ay iyong ipaliwanag kung bakit nahati ang iyong pagtingin, nanlamig dumilim ang kinabukasan na para sa'tin kaya naman umamin ka kung ako'y mahal mo pa oo umamin ka kung ikaw ay akin pa
oo ika'y umamin (umamin) diyan ba sa puso mo ako ay meron na ngang kapalit napakalupit bakit ang laging sinasambit sa langit nag tatanong kung bakit ganito ang sinapit ng pagibig ko sayo ako nama'y totoo binalewala mo ang bawat taon na ginugol ko sayo pwede pa bang ayusin to ako ay nagmamakaawa sayo wag mo naman talikuran ang alalang ginto pero kung talagang ayaw mo na wag kang mangamba di na kita pipilitin pang manatili hahayaan kang pumili kung gusto mo ng kalayaan ay sya hala sige (san ba nagkulang) yan ang palaging tanong kailangan ng sagot galing sa iyong bibig (san ba nagkulang) unti unti nang nilalamon ng lungkot nais ko lang naman na maliwanagan kung saan ba nagkulang?
Saan ba nagkulang? ano ba ang mali na nagawa? sa akin ay iyong ipaliwanag kung bakit nahati ang iyong pagtingin, nanlamig dumilim ang kinabukasan na para sa'tin kaya naman umamin ka kung ako'y mahal mo pa oo umamin ka kung ikaw ay akin pa