Lyrics: Rocel Dela Fuente Music: Rocel Dela Fuente ‘Di pa masabi ang laman ng damdamin Ikaw ang rason dahilan nito kung bakit Nagawa muli ang pusong paganahin Ang magkunwari hindi ko ‘yan gawain
Kasi ‘di ako manhid tulad ng nabanggit Mong mga nanakit sa ’yong lalaki dyan Kung pwede lang maangkin ka ng ‘di lang saglit Sana iyong mabatid ‘di ka papalitan
‘Di na mauulit nangyari nung sa huli Kung tatratuhin ka ‘di dapat palihim At paikutin para makatikim Handa kang kunin kahit ‘di mo hilingin
Isa lang naman ang gusto kong iparating Kung anong nakaraan hindi na babalik Umaasa na ako'y iyong tatanggapin Kaya ngayon ika'y tatapatin
Baby handa nang umamin Sa ‘yo lumalalim Ang tunay kong nararamdaman
Sabihin mo sa ’kin Gusto na manggaling Sa ‘yo na ‘di mo ‘ko sasaktan
‘Di ko magagawang sayangin Kung iingatan ang damdamin Sana ikaw na ang para sa ’kin Ikaw lang para sa ’kin baby
Nakakapagod na ring maranasan Masaktan ayoko lang panghinaan Na umibig ‘di malaman kung darating Pa ba sa akin o anong gagawin
Kapag puso namili ‘di matahimik Utak pagka’t ‘di na gustong ulitin Nangyari nung huling nasugatan Mula nang dumating ka nag-iba ang usapan
Agarang inalis ang kaba Gan’to pala katamis madama Ang mahalin ng walang Halong hirap kapain ang halaga
Ayokong basta hulaan Gusto pang maliwanagan Dapat bang panghawakan Kaya sabihin mo na ng harapan
Baby handa nang umamin Sa ‘yo lumalalim Ang tunay kong nararamdaman
Sabihin mo sa ’kin Gusto na manggaling Sa ‘yo na ‘di mo ‘ko sasaktan
‘Di ko magagawang sayangin Kung iingatan ang damdamin Sana ikaw na ang para sa ’kin Ikaw lang para sa ’kin baby
Hayaan mo ’kong ikaw ay mahalin Handa naman ako kahit sa’n man tayo dalhin Tiwala ka lang sa mga kayang gawin Wala na rin akong plano pa na patagalin
Ngayong nandyan ka na Ang pakawalan ka’y malabong mangyari Huwag ka nang mawala Sasamahan kita hanggang sa huli
Sana ikaw na ang para sa ’kin Ikaw na ang para sa ’kin
Sana ikaw na ang para sa’kin Ikaw lang ang para sa ’kin