109 (Posse Cut)

Lyrics: Vladimir Igman Tarubal/Randz Kelvin Manuel/Warren Valentin/Crisnaldo Comoda/Charles James Ortiz Music: Benedict Sy Doon sa aming barangay na pangalan ay Don Galo Meron akong ikukuwento Tapsilog na kaysarap sa umaga magmula ng aking pagkabata Hindi pa rin nagbabago ang lasa si mama mamaya ay papasok sa eskwela Kwela o drama direk si Bathala tara tena buksan mo ang tainga Baguhin mo ang ating sistema yan ang bilin sa akin ng tiyuhing nauna sa eksena Di inugaling uminom at magyosi pati na rin magchongke Pinakinggan nina Buenso at Moni kasama si Butchoy saking pag mumuni muni Natutuhan ko man ang bumiyahe magpaabot lang ng aking mensahe Isa lang ang pinapangako ko parati uuwi at uuwi ako sa Dongalo Paranaque Ngunit hindi parating masaya may nakaluluha rin namang mga alaala Tulad ng araw na aking akala lahat ay mananatiling payapa Pero ganun naman ata talaga balanse ng pangit at maganda Kaya't sana ang sulat ay sapat bilang taos pusong pasasalamat Pagkat ang Dongalo na aming yagnarab Ang una sa aking yumakap at tumanggap bilang kanyang anak. Bit-bit ko ay bandera ng Don Galo pinapakalat ang pangalan gamit ang tula ko laging ganado sa collabo di na kailangan ng baril para matawag din na isang sundalo Sapat na sakin ang papel sa kanang kamay kahit pa medyo ngalay di na magawa pang mag-pigil Pag nahawakan na ang panulat na sandatang itinuring Pangarap iginuhit Pangako na hindi na hihinto sa kakalikha pagkat ambisyon ko sa buhay ang pumapagitna Kaya kumakabisa At kung makaka-isa Salamat palagi sa mga taong nag-inspira Para ipagpatuloy pa ang aking nasimulan kung merong pagkukulang yaan mo na aking punan yakapin mo lang damhin ang himig ko di man dagat pasipiko ang lalim Ang utak tinuring na minahang inukit ng usok at puyat sa kwartong kalmado't tahimik nahubog ng mang-gulat kung usapan ay ang hilig pagsubok ang pag-sulat ang kailangan ay pag-ibig (pag-ibig) Alam ninyo na kung saan nagmula na kampo Walang iba kundi baryo ng Don Galo Taas noo na nagbibigay respeto Lalo na sa mga tunay diyan sa kanto Salamat nga pala sa pagtawid at pag gabay Nakasama ko sa pag kamit ng tagumpay Mga tropa na nasasabik kumampay Kung malasing man ihahatid ka pa nang paakbay Kasabay ng mga tinig na nagkakaisa Ay may dala-dalang pag ibig na tiyak kakaiba At mas inaangat pa ang musika na dala Pangako hindi to magbabago kahit saan man mapunta Aming hangarin ay mas palagnapin Musika ng mas nauna samin Pag yabungin upang may anihin Nang dumating ang araw na kuminang parang bling bling Wont stop cant stop parang trapik sa Edsa Di naubusan ng handa laging may hain sa mesa Lakad pasulong pero tahimik sa eksena Na tila'y pabulong pero isigbaw ninyo rin kaya Wont stop cant stop wont stop cant stop Di maaring mapigil walang pwedeng umextra Mga titik, siksik sarap ng tinig sa tainga Sino man sa amin ang umentra palaging bumebenta Lahat sa hood napapabounce di nagawaway sa pera Laging nasa baba para kung sakali na may mahulog Ay handa kong sumugal at dumapa Sanay tong kumapa sa dilim kahit mausok Mapusok man ang isipan walang atrasan sa pagsubok Ayt! Ortiz po ng Don Galo Kabilang sa sundalo Tanaw laging malayo Steady hindi nagbago Laging may bago Mga kanta na pandayo Batak parati sa ensayo Kaya ni minsan di lumabo Hangad lagi mapakinggan Hindi bayo kundi nilalaman Yung kasulatan Hasain ang kamulatan Kasama iilan Isang hilig ang Pinanggigilan Hanggang sa makitang Napupusuan Ng iilan Pero di pa diyan Simula pa lang Sa dati kami po ay makikiraan Hawak na namin ang ilaw sa pagdaan Sulo na galing sa nakaraan Sana po ay gabayan Aking galaw pati mga kasama Kami na iilang nagsusulong dito sa ating mapa Sakaling makachamba Gawa lang ng gawa habang utak ay gumagana