Liham

Lyrics: Sophia Mari Gamboa Music: Sophia Mari Gamboa Kumakabog saking isipan ano gamit ng mikropono Para ba sumikat o mensahe na dala nito Uh Sumubok na umapak umuwing bigo bigo Hirap umangat hirap kumain sa larangang to
Pero patuloy sa pagsikap ng pangarap Kahit sumisikat yung tanga tanga naman sumulat Na mulat bigla ako sa realidad sa pinas kapag kilala ka just chill umangat Respeto ng higit sa 8ballin na crew Sa Napadalang mensaheng hirap pinoy na ichew Na Di sapat kung magaling o matalino ka, Di sapat ang skills o pano ka pa bumira Di sapat ang hirap pawis na binuhos Hanggat hindi ubos ang yong dugo ay di padin raraos Uh
Kahit puyat puyat ka pa sa kakasulat sa pinas mahirap umangat pag di ka pa dayuhan uh
Kelangan muna meron silang mapuna Bago ka maramdaman bago lyrics madama Uh Ako sumubok sumabay sa mga agos try ko nga tunog dayuhan try ko kabatibatikos Uh Ito ang sulat sa industriya ng musika dami namin dito yung sikat na nga sinikat pa Uh Pano yung mas makata na mag salita yung may laman yung may puso ba kung bumira Kumakantang damang dama ang bawat hininga karapat dapat pero turing na tira tira Pano na yung gumagawa ng mga beat Bawat oras na binuhos mga tengang na bingi Uh napagod pagod pag aralan mga keys talentadong nilalang di manlang nababanggit Puro singers mga rappers ang iyong na kilala pano yung mga producers na mahirap pag wala na Sumisikap na sang araw makilala Kumukulay ng kanta bumubuhay sa yong piyesa Uh At para sa mga tagapakinig Baka may masabi, matamaan wag ka iiling Uh Aminin na hindi mulat ang tenga sa local Aminin na ramdam mong di maganda pakinggun Aminin na hindi mo trip yung mga ganito Di mo susubukan at pang tambay ang tunog nito Uh Laging sulat sa madla aking ginagawa Ngayon saludo ko na sa mga gumagawa Ng pagbabago gamit lapis at ang pambura Dila na natutuyo't puso di nawawala
Ugma ugma na parirala Boses na nag papagana Instrumentong pinagsama Sining na sobrang plakada Mga buhay sa kalsada Na kinwento gamit dila Pinagsama na eksenang Binuo ng lirisita Punot dulo ng mensahe Wag sayangin ang talento Wag tigilan na mangarap Dapat laging agresibo Lagi ka madadapa Dapat ulo'y tingala Sabay sabay na aangat Kahit ikay binababa Kahit di napapansin ang mga sining na gawa Mga umaapoy na lirisismong di nadadama Kahit lagi lang inaangat yung nasa taas na Di ka dapat na sumuko abutin ang mga tala
Uh Eto ang liham sa lahat