Bituin

Lyrics: Reymond Delacruz Music: Reymond Delacruz/Sintido Lreonoz (Oh) (oh) Abot kamay na ang langit sayo ay di na bibitaw pa ang kapit Pangarap ko ay sisikapin upang mas lalo pa kitang abutin Lahat ay aking gagawin, aking gagawin hindi magsasawa na ikaw ay mahalin Sana mapansin ang aking pagtingin Wala ng atrasan aking susungkitin ang tulad mong bituin
Nung una palang ay gusto ko na na matupad ang mga sana At ang makasama ka (oh) Siguro yun na yung binulong ko noon Tuparin sana ng panginoon at ng makasama kita ngayon (oh) Kaya kahit ano pang mangyari hindi na bibitaw pa sa pag kapit Sa pag asa na ika’y mapa-sakin di ako titigil hanggan sa ibigay ka niya sakin
(oh) (oh) Abot kamay na ang langit sayo ay dina bibitaw pa ang kapit Pangarap ko ay sisikapin upang mas lalo pa kitang abutin Lahat ay aking gagawin, aking gagawin hindi magsasawa na ikaw ay mahalin Sana mapansin ang aking pagtingin Wala ng atrasan aking susungkitin ang tulad mong bituin
Dina ako maka-wala sa aking nadama habang tumatagal ay maslalong lumalalim (uh) Tagos sa damdamin kailanman di hihingalin Kahit ano paman ang sabihin nila pagkatandaan mo Dimagagawang magtampo sana’y di kana ipagdamot ng mundo At ikaw ay makapiling di na ako mapakali ano paba ang dapat kona aminin Asahan mo na diringgin ko ang bawat ibilin Mo sa ating dalawa ang mahalaga ang tiwala’y dala-dala Wag mag alala panalangin ko ay palaging dito sa tabi ikaw ay mapasaya (uh) Mga mata mong mapungay kung saan nakita kong tunay Ang pag-ibig sa aking tinig himig mo ang aking patnubay Sa tuwing gabi’y malamig ang hinihiling ko’y sana marinig Init ng puso’y nasasabik habang nakatunghay sayo sa bintana tala, tala
(oh) (oh) Abot kamay na ang langit sayo ay dina bibitaw pa ang kapit Pangarap ko ay sisikapin upang mas lalo pa kitang abutin Lahat ay aking gagawin, aking gagawin hindi magsasawa na ikaw ay mahalin Sana mapansin ang aking pagtingin Wala ng atrasan aking susungkitin ang tulad mong bituin (oh)