Lyrics: Issa Rodriguez
Music: Issa Rodriguez
Ika’y mahalaga Kung puwede lang ay manatili ka Dito sa aking tabi, walang pagmamadali Kahit ga’no pang kahaba ang gabi Mahal, alam mo ba Nais kong ika’y mapasaya Wala akong maibigay Kung ‘di aking mga kamay Yayakapin ka sa habang buhay ‘Di ko maipangako ang mga araw at bituin O na ang mga pangarap mo’y aking tutuparin Ang tanging maaalay ay aking panalangin
Na Habang Buhay ako’y sa’yo, ika’y akin Mahal, pakinggan mo
Itong awitin ko na para lang sa’yo Ramdam ko’ng ‘yong pagmamahal Para sa aki’y magtatagal Kaya ang puso ko sa’yo’y isusugal (chorus) (instrumental) ‘Di ko maipangako ang araw at mga bituin O na ang mga pangarap mo’y aking tutuparin Ngunit ang bawat umaga sabay nating salubungin Mula sa araw na dinggin itong tangi kong panalangin Na habang buhay ako’y sa’yo Bawat umaga ko’y sa’yo At habang buhay ako’y sa’yo, ika’y akin