Exhibition All-Star

Lyrics: Lester N. Labayog Music: Lester N. Labayog Mic check 1, 2 Best four yet! Let's go!
Hook Exhibition A, Bawal na magdoubt-doubt, kahit pa ang mga lonta ay di lawlaw, Matunog na blaw blaw, walang pow pow, kung solido ka ay pwedeng makisawsaw, Exhibition A, Sa mundo ay out now, tumatawag sila saken 'di na outbound Sa mga di down down, edi ciao ciao kung wala ka namang halaga na parang kyaw kyaw
RAMDISS
Akin na 'yung mic sir, sinulatan ko maigi to pare hindi to cypher Kami na yung rapper ngayon na noo'y in-under, o kami naman alis tumunog na 'yung timer Parang naduduwal 'yung lighter, pano yung kantang nasakyan niya ako ang driver Mahapdi talata kapag magaling yung writer, lahat ay sapul shotgon dala ko hindi sniper
Ingat sa makata down there, mamali ka ng tapak matuklaw ka ng viper Anong pake ko sa naglipanang pekeng gangster, lumaki ako sa panahon ni Jason Ivler Putukan magkabila, mamali ka ng tingin eh tutumba ka na lang bigla Kung walang dalang kargada, puta 'wag kana magsimba kung gusto mo pang umabot bago bisperas ng pista (oh shit)
Yun ang 'di nila alam, hindi ka pwedeng magpanggap sa mga totoong halang, Nung panahon ko tunay na baril nilalaro ng gang, ngayon pinuputok ng bagong era laruan na lang Grrt pow! grrt pow! mo mukha mo, peke pagkatao kakapanood kay Pablo Lahat sila na nagpapaunahan magka-Lambo, ako pinapaganda pa lalo ang mga bar-ko
Pag ako nakikisalo ay may pagkabarumbado, laging ikatlong alarma ang dala ko na kalayo Ganito ako mambraso mahapdi nakakapaso, pag hawak ko na ang lapis ko naghuhurumentado Konektado ang mga gawa ko sa'king pagkatao, idolo ko rin si Pablo kaso yung sakin Picasso Lahat gusto maging batang panginoon kung itrato, pwes ako ay Hudyong may hawak na latigo't pamako sa cross, adios!
OXSMUGG
Makabago na tunog ang kaya kong ilapag, kapeng barako sa tulog na nga sa kakahikab, Di lang kilay ko sunog kapag ako nagsilab, kalmado pa ko na sabog sa musika na-rehab, Kaya kargado, na Pollisco na sa imahe, santo, na sagrado pagkadyamante Sargo, na may kwadro alas sa klase, Rambo, pag sa kampo na umatake
Nagpaapoy sa pangarap kaya hindi lang panulak ang panawid ko na gutom Mula sa init, ni wala ng bagabag dinadaga na matawag sa nilapag ko na bara mula sa gimik Purong pasabog sa wika na tagalog, numero unong bulabog na sa tugatog, Puntong sa tayog pa lalo umiindayog, dunong saken na handog ay naging bantayog,
Pano, di maubusan ng galaw naghalimaw, nong ako'y nagsimulang lumitaw Nagsilitaw, ang mga nabulahaw sa batingaw sigaw, pano ko nagagawang mangibabaw sa bitaw Kahit na wala ng mahita sa music, pinakita na palaging naka-full clip, Kung usapang halimawan ako'y new breed, ibahin mo pag ako sumulat walang blue print,
Sa wala man nanggaling, tumaya sa hangarin, dinala sa palaging, laman sa panalangin, pinalasa man sakin, pero Kulang panga rin, pero kung anong sayo hindi ko balak nakawin, Kame ang mga mukha sa ilalim na dilang basta nagsalin ng mga wikang malalim, Mas papalawakin ang mga di man palarin sa ambag, Taos pusong galangin sa limbag, Oxsmugg!
Hook Exhibition A, Bawal na magdoubt-doubt, kahit pa ang mga lonta ay di lawlaw, Matunog na blaw blaw, walang pow pow, kung solido ka ay pwedeng makisawsaw, Exhibition A, Sa mundo ay out now, tumatawag sila saken 'di na outbound Sa mga di down down, edi ciao ciao kung wala ka namang halaga na parang kyaw kyaw
ARVY T
Malabong sigawan na banban, sa laro ganado kaya't di kayang matanggal Tahimik na may tirang di masusupalpal, kayang dumakdak nitong hindi madaldal Kabusugan ang hatid ng angking galing, may linyahan na akala'y kakanin Susubuan ka hindi lang basta papatakamin Ka-inin mo, wag mong tulugan o higaan tong dala ko na sapin-sapin
Ambagan ng mga hindi lang basta malakas Kung naging pera ang letra, walang gasta kada labas Pang gera ang pwersa, sa eksena taga taas ng bandera, segunda man traysera o basta wasak
Walang Makakaawat sa karapat dapat Talagang nag-aalab pag ang mikropono'y hawak-hawak Kami yung tipong hindi wawalasin pag pakalat-kalat Sadyang may pinapakita kahit hindi hinahanap-hanap
Nagkapasahan ng kapangyarihan na pangbaliwan, wag ka ng magtaka Dapat handa ka pag kami nag pakawala Walang tapon ang mga bagsakan
Abang abang ka, lang Sa iba pang mas, nakakahibang Na, kanta, dami pang ba-on Palaging may pa, sobra tong Batang kulang kulang ayon sa buwan ng kaarawan.
Utak ko ay malikot kung hindi ka sanay mahihilo May taglay na lakas pang sabay sa paborito Isa sa mga nagpapakaway ng balahibo Na parang may malamig na kamay sayong nanghipo
Alam mo na kung bat ako nandito Nag papanday ng pang pa mulat mula sa sindito Ako'y nag gala musika ang naging bisyo Naglalakbay di lang para mamulikat ang binti ko
ELIO L
Masakit sa ulo kasi piniga ang utak, mataas ang ambisyon sa mga didilaang ulap Walang preno kaya sa himpapawid 'di makausap, umeereng ereplanong busy makausad Ito'y bandalismo sa pader at kikinang sa bungad, imposibleng makahabol ka sa binting nakaunat Parang popong mataba na TV ang atupag, panuorin mo ko mag-graffiti ng makupad
'Di sa itsura pero gustong tanghaling mamaw sa Manila at Luzon ang husay kong dadalhing Davao Pangmatagalan ako at 'di sandaling apaw, bubuhos ko lahat sa mga walang kasing babaw 'Wag mo ihilera sa mga katabing ayaw, idolo mo at ako ay 'di naman magkasingtakaw, Mas gutom ako ngayong umaga na maalingasaw, paghihirapan ko pa ren kahit madaling-araw
Sa huling kaluluwa na nagmura sa aken, oo may pake ako noon na 'wag mo na hanapen Wala kang ideya sa 'king mga naunang gapangen, para kang alikabok na nabura sa hangen Bibihira na ang mga katumbasan namen na mamamatay sa rap at di matutumba sa talent Ang pangarap ko ay di na mauga sa taneng, pa'no ba naman e don sa ambulansya galeng!
Abakada ko'y walang kapares, sadyang komplikado ang gawa ng labe, Siguradong may mapapala hindi baka sakale, dapat na ang mga paa ko ay babakas sa kalye Magandang babae ang kasama lage at walang kahate, papayaman kami at para balanse, Matyaga pa ren kapag nangyare na basa sa byahe kahit na merong bubong pa sa bayad na yate!
Hook Exhibition A, Bawal na magdoubt-doubt, kahit pa ang mga lonta ay di lawlaw, Matunog na blaw blaw, walang pow pow, kung solido ka ay pwedeng makisawsaw, Exhibition A, Sa mundo ay out now, tumatawag sila saken 'di na outbound Sa mga di down down, edi ciao ciao kung wala ka namang halaga na parang kyaw kyaw
Hook Exhibition A, Bawal na magdoubt-doubt, kahit pa ang mga lonta ay di lawlaw, Matunog na blaw blaw, walang pow pow, kung solido ka ay pwedeng makisawsaw, Exhibition A, Sa mundo ay out now, tumatawag sila saken 'di na outbound Sa mga di down down, edi ciao ciao kung wala ka namang halaga na parang kyaw kyaw
Exhibition A, Bawal na magdoubt-doubt, kahit pa ang mga lonta ay di lawlaw, Matunog na blaw blaw, walang pow pow, kung solido ka ay pwedeng makisawsaw, Exhibition A, Sa mundo ay out now, tumatawag sila saken 'di na outbound Sa mga di down down, edi ciao ciao kung wala ka namang halaga na parang kyaw kyaw