Kung Nakikita Mo Lang

Lyrics: Allen Angelo Garcia Music: Allen Angelo Garcia Ka'y daming beses na naririnig sa 'yo Na 'di mo makita ang angking kagandahan mo Para sa akin wala namang kulang sa 'yo Sobra kapa sa hiniling ng puso ko Hinding-hindi magsasawa na sabihin sa 'yo At ipaalala kung gaano ka kaganda Ipagsisigawan ko sa buong mundo Ang taglay na kagandahan mo Kung nakikita mo lang ang nakikita ko Malalaman mo kung gaano ako kaswerte sa ‘yo ‘Wag na ‘wag kang makikinig sa iba Ikaw ang pinakamaganda sa aking mga mata ‘Di mo kailangan ng kolorete't palamuti sa mukha Simpleng ngiti mo palang Puso ko'y nabighani mo na Ipagsisigawan ko sa buong mundo Ang taglay na kagandahan mo Kung nakikita mo lang ang nakikita ko Malalaman mo kung gaano ako kaswerte sa ‘yo Kalma ka lang, maniwala ka sa akin Madami mang babae sa mundo'y Mananatili sa kagandahan mo Ipagsisigawan ko sa buong mundo Ang taglay na kagandahan mo Kung nakikita mo lang ang nakikita ko Malalaman mo kung gaano ako kaswerte... Kaswerte sa ‘yo…