Lyrics: Joshua Martin Berenguer/Jim Poblete Music: Joshua Martin Berenguer/Jim Poblete Yeah, wooh oh whoa
Para sa lahat ng may mga pinagdadaanan lalo na sa mga panahon ngayon
Laban lang, kahit minsan parang…
‘di ko pa rin batid hanggang ngayon saan
Ba nagsimula at paano ko naramdaman
Bawat awit kong isulat mabigat o magaan
Salamin sa kung anong dinadaanan
Hindi lang sarili pinipilit kong akayin
Mga pasuko na pilit kong hihikayatin
Na umalab sa gitna ng mga pagsubok na pasan
Kahit na mayroong bagyo laging may payong sa ulan
Kaya ‘wag mawawalan
Ng paniniwala na ‘di ito ang sukdulan
‘wag mong isipin na ito na ang huli
Para sa atin, liliwanag din ang langit
At bawat gulo sa'ting mundo ay maglalaho rin
Manalig lang, manalig lang (manalig lang)
‘di mabilang ang takot at kinakabahan
‘di lang basta sa sakit nagkakahawaan
Nagkakalamat ang lakas ng loob
Hindi alam kung p'ano wawakasan
Aking minamasdan ang mga durog na damdamin
Kahit sa munti kong paraan ay aking
Tulungan na mapahilom ang mga sugat na dala
Kahit na ‘di ko pa mahipo
Paniniwala na ‘di ito ang sukdulan
‘wag mong isipin na ito na ang huli
Para sa atin, liliwanag din ang langit
At bawat gulo sa'ting mundo ay maglalaho rin
Manalig lang, manalig lang
Manalig lang, manalig lang