Lyrics: Matt Wilson/Kylu Garcia
Music: Matt Wilson/Kylu Garcia
Sa ‘yo ko lamang naranasang masaktang gan’to
Yung tipo na hindi alam kung anong natamo
Masakit, ang lupit, parang ginamit lang
Malamig ang gabi, para bang may kulang
Yakap mo’ng hanap-hanap kaso wala ka na
‘Di ko pa matanggap na meron ka nang iba
‘Di ka nanghihinayang, ako lang ba
Masaya ka na ba sa piling niya
Ba’t ang bilis mo lang limutin
Mga pinagdaanan natin
Pinaubaya mo na lang ako sa hangin
Sana hindi ka na nga lang naging akin
(Ah, ah, ah)
Sana hindi na lang (ah, ah, ah)
Kita nakilala (ah, ah, ah)
Sana hindi na lang (kita nakilala)
Akala ko ba nung una
Ay sigurado ka na
Sabi mo pa anuman ang mangyari
Hindi ako magsisisi pero…
Lumakad ka palayo sa ‘kin
At palapit sa kanya
Mabubura na lang ba
Ang mga alaalang ginuhit natin nang magkasama
Ba’t ang bilis mo lang limutin
Mga pinagdaanan natin
Pinaubaya mo na lang ako sa hangin
Sana hindi ka na nga lang naging akin
(Ah, ah, ah)
Sana hindi na lang (ah, ah, ah)
Kita nakilala (ah, ah, ah)
Sana hindi na lang (kita nakilala)
Akala ko pa nung una
Ay sigurado ka na
Bigla na lang lumipat ka
Sa iba, ah, ah
Akala ko pa nung una
Ay sigurado ka na
Bigla na lang lumipat ka
Sa iba, ah, ah
Ba’t ang bilis mo lang limutin
Mga pinagdaanan natin
Pinaubaya mo na lang ako sa hangin
Sana hindi ka na nga lang naging akin
(Ah, ah, ah)
Sana hindi na lang (ah, ah, ah)
Kita nakilala (ah, ah, ah)
Sana hindi na lang