Lyrics: George Canseco Music: George Canseco Mahal kita kapantay ay langit sinta At lagi kong dasal sa Maykapal Ang lumigaya ka Kahit ngayon mayro’n ka nang ibang mahal Hinding-hindi pa rin ako magdaramdam
Ngunit sinta sakaling paluhain ka Magbalik ka lamang Naghihintay puso ko't kaluluwa Pag-ibig ko kapantay ay langit hirang Hindi magbabago kailan pa man
Ngunit sinta sakaling paluhain ka Magbalik ka lamang Naghihintay puso ko't kaluluwa Pag-ibig ko kapantay ay langit hirang Hindi magbabago kailan pa man