Lyrics: Philip Ching
Music: Rudolf Filomeno Macasero/James Ronald Macasero
Verse 1
Ahh check
Gising ako buhay sa loob ng bangungot
Ako ay alamat panaginip ng alikabok
Sa mga mata ko mula sa itaas
Kayo'y mga lagablab sa sulok
Hugis ng kulay sa loob ng tatsulok
Sobrang taas nakakalula inabot
Walang tulog puti aking bungo
Sobrang taas ko nabangga ko si hesukristo
Pre-Chorus
Pito ako sa aking salamin
Nagtalo talo sila lahat galit sa akin
Ang sipa ko nababalot ng pwersa
Lusaw mga halimaw ubos sila
Chorus
Uwe, uwe uwe, saan ang direksyon?!
Lumulutang sa ilusyon, walang koneksyon
Sigaw ng isip di naririnig
Gusto kong umuwi kahit sa sarili
Verse 2
Siyete bente kwatro ligaw sa ligaya
Wala ng intro intro ito ay lasang buko
Lagpas kalawakan malabong makabalik
Walang uwian byaheng alien breed
Walong balik sa harap ng salamin
Walang bugahan usok kinakain
Apoy na may mahinang pwersa
F.U. pang dalawang araw na
Hindi ito totoo
Pero ang totoo nasa isip mo
Walang daan palabas
Eh paano ako nakapasok
Kung ito ang mundo sayo na lang to
Babalik na ako sa kalawakan ko
Chorus
Uwe, uwe uwe, saan ang direksyon?!
Lumulutang sa ilusyon, walang koneksyon
Sigaw ng isip di naririnig
Gusto kong umuwi kahit sa sarili
Bridge
Baka di nako maka uwe
Uwe uwe uwe!
O baka dito ako nakatira
Uwe uwe uwe!
Baka di nako maka uwe
Ayokong umuwe!
O baka dito ako nakatira
Ikaw na lang umuwe!
Spoken
Sinasabi ko sayo hindi ka nakikinig eh
Kelangan ko pa bang ulitin sayo na kasama ko ang mga halaman puno insekto elemento engkanto diwata ibat ibang mga kulay at hugis ng mga dimensiyon na hindi mo maipaliwanag kasama ang ibang tagos ng iyong karimlan sa liwanag ng araw makikita mo ang pinaka malalim na utak ng sansinukuban
Chorus
Uwe, uwe uwe, saan ang direksyon?!
Lumulutang sa ilusyon, walang koneksyon
Sigaw ng isip di naririnig
Gusto kong umuwi kahit sa sarili
Outro
Tapusin tapusin tapusin
Umuwi ka na!