Lyrics: Anna Paula Castor
Music: Anna Paula Castor
La la la la la la
La la la la la la
Kuya nasa’n ka na
Ang layo ng tingin ng iyong mata
Ano bang problema
Pwede naman sa ‘kin ay magsabi ka
Bukas ganyan na naman siya
Panigurado babae iniisip niya
Kuya ano ka ba
Pwede naman sa ‘kin ay magsabi ka
Ganto ‘yan kung sakaling binlock ka niya
Sa Facebook ay ‘wag kang mag-alala
Gusto lang niya na sa ‘yo'y magpalambing
Konting suyo lang ulit mo siya na makakapiling
Kung sabagay nakakapagod nga naman
Pagsusuyo ay ‘di madaling paraan
Pero ganto kami magpakita ng love
Feelings namin laging dine-deny, kaya nga
Kuya nasa’n ka na
Ang layo ng tingin ng iyong mata
Ano bang problema ‘
Pwede naman sa ‘kin ay magsabi ka
Bukas ganyan na naman siya
Panigurado babae iniisip niya
Kuya ano ka ba
Pwede naman sa ‘kin ay magsabi ka
Tumawag nga sa ‘kin ‘to kagabi
Namomroblema ano daw ang kaniyang gagawin
Umiiyak
Kasi gusto na raw nung babae
Na silang dalawa ay mag-breakup
Sabi ko naman kung ‘yon ay totoo
Dapat personal niya iyong sasabihin sa ‘yo
Iyan ay sinungaling
Feelings niya laging dine-deny, kaya nga
Kuya ano ka ba
Pwede naman sa ‘kin ay magsabi ka
Kung ‘yan ang problema
Dapat sa ‘kin ka lumalapit at
Ganyan nga mga babae
Feelings nila laging dine-deny, kaya nga
Kuya ano ka ba
‘Di ka dapat sa kanila naniniwala
Sinasabi nila sa ‘yo ay puro lang masasakit na salita
Dami nilang sinasabi
‘Di naman iyon ang gusto nila
Kuya ano ka ba
Gusto lang niya talaga malaman na mahal mo pa siya
Ganyan talaga sila
Feelings nila laging dine-deny
Kaya nga
La la la la la la
La la la la la la