Ipagpatawad Mo

Lyrics: Vic Sotto/Joey De Leon/Rap lyrics by Aristotle Pollisco Music: Vic Sotto/Joey De Leon Ipagpatawad mo aking kapangahasan Ang damdamin ko sana’y maintindihan Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo Ngunit parang sa 'yo ayaw nang lumayo Ipagpatawad mo ako ma'y naguguluhan
‘Di ka masisi na ako ay pagtakhan ‘Di na dapat ako pagtiwalaan Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo Ngunit parang sa 'yo ayaw nang lumayo Ipagpatawad mo minahal kita agad
KimJe 1, 2
Haaahh… Minahal kita agad
Matagal ko nang gustong sabihin sa 'yo ‘to
Haaahh… Minahal kita agad
Kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo
Haaahh… Minahal kita agad
Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Haaahh… Minahal kita agad
Sa aking pedicab
Nang ikaw ay unang beses kong masilayan ‘Di ko malaman bakit nagkaganito Inutusan lang naman ako ng aking inay Na pumunta ng palengke’t bumili nang pito-pito Sinigang sa miso Ang ulam namin sa umaga, tanghali, hapunan Abutin man ng gabi Pabalik-balik mang lumakad sa harapan ng inyong tindahan Kahit wala akong pera na pambili Nilakasan ang loob at nilapitan kita Baka sakali na pwede kitang maimbita Kahit ‘di gaanong maayos ang aking suot Ang polo ko na kulubot Pagkatapos ako'y nagsalita Mawalang-galang na miss Teka ‘wag kang mabilis lumakad P’wede ba kitang maihatid Gamit aking pedicab na aking pinakintab ‘Wag ka nang magbayad sana sa akin ay bumilib Ako nang magdadala ng payong at ng bag mo Palagi kong pupunasan ang mga libag mo Kahit ‘di ako ang pinapangarap, hinahanap ‘Pag kaharap ay palaging binibihag mo Ang katulad kong maralitang umiibig At pilit na inaabot ang mga bituin Ga’no mang kadaming salitang aking ipunin Balutin, ilihim, sabihin ang tangi kong hiling
Makinig ka sana sa ‘kin... Haaahh… Minahal kita agad
Matagal ko nang gustong sabihin sa 'yo ‘to
Haaahh… Minahal kita agad
Kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo
Haaahh… Minahal kita agad
Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Haaahh… Minahal kita agad
Sa aking pedicab
Ako'y maghihintay
Pasakay na sa 'yong pedicab, boy Sa ‘yo ma-in love, boy Ipapadama ko sa 'yo Habang umaandar ang 'yong pedicab, boy Laging sa 'yo lang, boy Pag-ibig mo na ganito Kahit ano pang iyong gustong gawin Kapag nababagalan ay kayang-kaya mo nang pabilisin At kahit na ano pang hirap ay hindi mo pansin Mga daan na matarik ay ‘yong pipidalin Palaging ikaw ang nilalaman ng aking isipan Mapa-araw man o mapa-gabi ‘Di mo idadaan sa putik Ako lang ang nakaukit sa puso kahit na mapasa-isang tabi Sa pagsikat ng araw inaabangan ka na Makita lamang ang ‘yong mga magandang mata Palagi kong dinadalangin kahit ‘di mapasa-akin Ay lagi kong sinasabi na mahal kita Pero ang buhay talagang napakapait ‘Di pwedeng sumabay sa tag-ulan at tag-init Bakit laging minamaliit ‘Di mo pwedeng makamit ang katulad kong pilitin mo na dumikit Ok lang ako sa wallet mo na manipis Sa mumurahing pabango na ‘di ko matiis At kung hindi talaga pwede Sabihin lamang sa akin asahang hinding-hindi ako maiinis
Dahil tubig at langis
Haaahh… Minahal kita agad
Matagal ko nang gustong sabihin sa 'yo ‘to
Haaahh… Minahal kita agad
Kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo
Haaahh… Minahal kita agad
Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Haaahh… Minahal kita agad
Sa aking pedicab
Ako'y maghihintay
Haaahh… Minahal kita agad
Matagal ko nang gustong sabihin sa 'yo ‘to
Haaahh… Minahal kita agad
Kahit na lagi naman tayo nagtatagpo
Haaahh… Minahal kita agad
Lagi kong pinapangarap na ako ay sumakay
Haaahh… Minahal kita agad
Sa iyong pedicab ako'y maghihintay
Haaahh… Minahal kita agad Haaahh…
Mahal na kita agad