Sabay Tayo

Lyrics: Jennelyn P. Cuales Music: Jennelyn Cuales Mga pangarap natin, unti unting mararating Pipilitin natin lahat ng ito'y sabay planuhin Ibabalanse ko ang oras ko at oras mo Sisikapin natin lahat ng ito'y hindi mabitin
Alam ko na minsan ay nahihirapan tayo Palagi mo lang iisipin na kahit ano mang sabihin Ay mahal kitang talaga
Kaya sabay tayo maglalagkbay patungo sa hagdan ng tagumpay Sisikapin nating makamit totoong makulay na buhay
Kaya sabay tayong maghihintay ng pagkakataong di na sasablay Mga pangarap natin ay tuparin ito na ang totoong buhay
Ilang beses man na sumabit, hinding hindi ipagpapalit Kalungkutang lumalapit, kasiyahan laging papalit Mga masasakit iniiwasan at pagibig ang pinaglalaban kaya tayo na to