Lyrics: Gabriel Angelo De Castro
Music: Gabriel Angelo De Castro
‘Di ko pa rin kayang kalimutan
Ang ‘yong ngiti at mga mata
Palagi pa ring nakikita
Nahihirapang mapag-isa
Bawat gabi hinahanap kita
Kahit alam kong wala ka na
Dahil ika’y nasa langit
Kasama ng mga bituin
At ako’y naiwan dito sa lupa na mag-isa
Nangangarap makasama ka
Makasama ka muli
‘Di ko pa rin kayang tanggapin
Ang araw na dumating
Nung lumisan ka
At bumagsak ang mga luha
Meron ba akong kasalanan sa ‘yo
Kulang ba ang pagmamahal
Na binigay
Dahil ika’y nasa langit
Kasama ng mga bituin
At ako’y naiwan dito sa lupa na mag-isa
Nangangarap makasama ka
Makasama ka muli
Ayoko nang mabuhay
Kung ‘di ko hawak ang ‘yong kamay
Sana pagbigyan ang pusong bumibigay
Dahil gusto ko nang makasama ka
Dahil ika’y nasa langit
Kasama ng mga bituin
At ako’y naiwan dito sa lupa na mag-isa
Nangangarap makasama ka
Muli
Sa langit
Kasama ng mga bituin
At ako’y naiwan dito sa lupa na mag-isa
Nangangarap makasama ka
Dahil ika’y nasa langit
Kasama ng mga bituin
At ako’y naiwan dito sa lupa na mag-isa
Nangangarap makasama ka
Makasama ka muli