Lyrics: Caleb Santos/Hazel Faith Music: Caleb Santos Umaasa pa rin na maibabalik Ang tinangay ng hangin Nanlamig na pag-ibig
Napagtanto na walang kahit sino Ang papantay sa ‘yo Ang sayang dulot ng yakap mo'y Biglang naglaho
Hinahanap sa dilim Ang pag-ibig na dati'y sa akin Dapat nga bang ipaglaban Kung wala na… Wala na...
Bakit 'di na lang sabihin Aasa pa ba Mas mabuti pang aminin Kung wala na nga
Nalibot ko na ang mundo Ngunit nagbabalik sa ‘yo Ang sayang dulot ng yakap mo'y Biglang naglaho
Hinahanap sa dilim Ang pag-ibig na dati'y sa akin Dapat nga bang ipaglaban Kung wala na, wala na Wala na…
Ang ikaw na nakilala Wala na Ang lahat ng alaala Wala na Kahit na ipaglaban pa Wala na, wala na… Wala na…
Hinahanap sa dilim [sa dilim] Ang pag-ibig na dati'y sa akin Dapat nga bang ipaglaban [Dapat nga bang ipaglaban] Kung wala na, wala na Wala na..
Itong puso kong sakim Ay walang lakas para tanggapin Bumitaw ka na sa ‘kin At wala na, wala na...