Lyrics: Rina Mercado
Music: Rina Mercado
Sa mga panahong nag-iisa ay hanap-hanap ka
At hindi kailanman mag-iiba
Itong aking pagsinta
Asahan mo na kahit kailanman
Hindi titigil, βdi ka iiwan
Anumang pagsubok ang dumating ay kakapit sa βyo
Anumang mangyari, pangako na naririto ako
Kumapit lang, sabihin at ikaβy mamahinga
Bukas man ay βdi sigurado, asahang akin ka
Ikaw lang ang lakas sa magulong mundo
Kaya naririto ang puso ko, umaasa na hihilumin mo
Pagmamahal mo lang ang nais ko
βDi magbabago kahit pa anong bagyo ang dumating
Sa susunod na buhay ang mamahalin ikaw pa rin
Ikaw lang ang lakas sa magulong mundo
Kaya naririto ang puso ko. umaasa na hihilumin mo
Pagmamahal mo langβ¦
(Ikaw lang ang lakas) sa magulong mundo
Kaya naririto ang puso ko, umaasa na hihilumin mo
Pagmamahal mo lang ang nais ko
Mmm...