Pagsapit Ng Gabi

Lyrics: Aldyl Kent G. Charcos Music: Aldyl Kent G. Charcos Alam ko na ang ibig sabihin Ng bawat paggising ko tuwing hatinggabi May para bang sumapi sa akin Marahil ay upang ako’y ‘di antukin
Kung bibilangin mga bato’t bituin ‘Di mangyayaring ako’y maka-idlip
Sana’y maitawid bawat pagsapit ng gabi Kahit alam ng puso kong kailanma’y ‘di na Maaring magbalik kahapon nating kay tamis Pa’no ko nga ba maitatawid ang bawat gabi
Malayo pa kaya ang umaga At nang maibsang muli itong nadarama Imposible ang biglang kalimutan ka Pilitin ko mang maging lubusang masaya
Kung bibilangin mga bato’t bituin ‘Di mangyayaring ako’y maka-idlip
Sana’y maitawid bawat pagsapit ng gabi Kahit alam ng puso kong kailanma’y ‘di na Maaring magbalik kahapon nating kay tamis Pa’no ko nga ba maitatawid ang bawat gabi
Kung ang nais mo’y kapayapaan O sadyang ang gusto mo ay lumaya Pagbibigyan ka Ug kintahay ‘di na makaya ‘Di kalimtan nga may balikan ka pa
Sana’y maitawid bawat pagsapit ng gabi Kahit alam ng puso kong kailanma’y ‘di na Maaring magbalik kahapon nating kay tamis Pa’no ko nga ba, pa’no maitatawid ang
Sana’y maitawid bawat pagsapit ng gabi Kahit alam ng puso kong kailanma’y ‘di na Maaring magbalik kahapon nating kay tamis Pa’no ko nga ba maitatawid ang bawat gabi
Pa’no ko nga ba maitatawid ang bawat gabi