Lyrics: Kyle "Kxle" Sarikula/Mark Jannus "DADI GIN" Adaro/Airon Paul "Hero" Bayani
Music: Kyle "Kxle" Sarikula/Mark Jannus "DADI GIN" Adaro/Airon Paul "Hero" Bayani
Kxle (hook)
Nakakahiya kay mama
Sana di nalang kita pinakilala
Sobrang mali sayo pa ko nagkatama
Dating matino na tayo malala na, malala na
Dadi Gin (verse)
nakakahiya kay mama sana di nalang
kita nakilala kung alam ko lang
yung dating matamis biglaan nalang tumabang
napapagod na ako sayo laging nagaabang
di na sana dumating
kung gusto mo rin umalis
magiingat ka palagi
wag kana rin bumalik
ayos na ako ngayon
hindi na para mangulet
bago ko to malimutan
mama ko sayo galet
lagi kang tamang hinala
kahit na laging mali
kala ko ba pinagpala ka
pero bat parang hindi
di narin ako aasa na
maayos pa ulet
yoko narin maalala pa
ating bawat sandale
Kxle (hook)
Nakakahiya kay mama
Sana di nalang kita pinakilala
Sobrang mali sayo pa ko nagkatama
Dating matino na tayo malala na, malala na
Dadi Gin (2nd verse)
bakit mo sinayang lahat ng pinagsamahan
bakit mo sinabeng hindi mo ako iiwan
bakit mo natitiis ako'y nahihirapan
bakit di mo masagot ang aking katanungan
puro bakit at paano iniisip ko ngayon
puro sakit ng kahapon dala dala ko ngayon
puro sugat na ulet ang puso't utak ko ngayon
papaano maaayos kung ayaw mo tumugon
pasensya kana mama
talo nanaman ako
hindi ko po inakala na
matatapos sa ganto
pasensya kana mama
uuwi akong bigo
hindi ko ren inakala na
may babaeng ganito
Hero (bridge)
Oo talaga namang nakakahiya
Kaya minsan ayoko nalang maniwala sa pagmamahal na totoo
Kasi minsan si mama ang daan para tayo ay mag-ayos
Kung wala si mama ay matagal na tayong tapos
Pero kahit anong daing ko
Laging dumadating ay katulad mo
Dadi Gin & Kxle
di ko talaga magets
kung bakit biglang ganyan
diba sabi mo sa akin
na wala ng iwanan
tapos biglang nanlamig
nawala naman dahilan
ayaw mo na tumuloy
kahit na merong paraan
gusto ko patong ayusin
gusto mo ay bumitaw
pag ako nagkamali
gusto mo agad hiwalay
kinulayan mo ang buhay
ikaw den ang pumatay
masyado narin kawawa
aking baga at atay
Kxle (hook)
Nakakahiya kay mama
Sana di nalang kita pinakilala
Sobrang mali sayo pa ko nagkatama
Dating matino na tayo malala na, malala na
Hero(3rd verse)
naalala mo paba nung unang beses kang tumapak sa harap ng pintuan
lahat sila nakatingin sayo nagtatakat nalilito
mukha ka daw diwata yan sabi ng mama ko
tapos ngayon aalis kana
di ka manlang nagpaalam anak ng tinapa
nagdadabog kapa di ka na nahiya
talagang matigas ang muka
di talaga marunong makisama
simula palang nung ikaw makilala
ramdam ko na na merong kakaiba
de baleng ako ang lumuha
wag lang madamay sa lungkot ang aking mama
gusto ko palagi lang syang masaya
Kxle (hook)
Nakakahiya kay mama
Sana di nalang kita pinakilala
Sobrang mali sayo pa ko nagkatama
Dating matino na tayo malala na, malala na