Susugal

Lyrics: Melissa Corpus Music: Melissa Corpus Uurong, susulong Di alam ang gagawin Kailangan ng tulong Ng pusong di mapakali
Napagod na dati Ang pusong pinangakuan Takot nang mahulog Sa gawi ng pag-ibig
Ngunit biglang nag-iba ang hangin Bigla ka na lang dumating sa akin
Nalilito, nagugulo Susugal na ba sa ‘yo Ikaw na ba ang bubuo Sa puso kong laging bigo Natatakot baka laro Kung ito ba’y isang biro Susugal na ba sa ‘yo Sabihin mo Kung ang pag-ibig mo ay totoo
Araw araw hinihintay Ang ngiti mong may buhay Sa mundo kong bigla na lang Nagkaroon ng kulay
Huwag sanang mangyayari Ayoko nang masaktan Takot nang mahulog Sa bangin ng pag-ibig
Ngunit biglang nag-iba ang hangin Pinagtapat ang tunay na damdamin
Nalilito, nagugulo Susugal na ba sa ‘yo Ikaw na ba ang bubuo Sa puso kong laging bigo Natatakot baka laro Kung ito ba’y isang biro Susugal na ba sa ‘yo Sabihin mo Kung ang pag-ibig mo ay totoo
Bahala na ang tadhanang ito Hiling sa Diyos na ikaw ay totoo Maghihintay na lang Maghihintay na lang