Ang Puso Kong Ito'y Sa'Yo (Backing track)

Lyrics: Rina May Mercado Music: Rina May Mercado Pwede bang magtanong sandali lang ’Di sanay sa lukso at bilis nang pagtibok Ng puso kong kumakaba
Baka naman masagot, kung sakali Ba’t gan’to, may kilig, at hindi mapakali Sa tuwing ikaw ay nand’yan na
CHORUS Parang panaginip lang ang lahat ng 'to At magigising ako ’pag sinabi mong Ang akala kong pangarap, nagkakatotoo
Bakit ba ngiti mo ’pag sa 'kin ay iba Tayo ba'y pareho na ng nadarama Dapat bang aminin na na ang puso kong ito'y Sa 'yo
Kahit ’di nila maintindihan Ako raw ay nahihibang Tibok ay ’di ko mahinto (’di ko mahinto tibok ng puso ko)
Bawa’t sandaling kasama ka Walang lungkot, sobrang saya Pag-ibig na yata ito (pag-ibig na nadarama para sa ’yo)
(REPEAT CHORUS)
Nananaginip na naman ba ako Nakakatunaw ang bawa’t titig mo Nananaginip na naman ba ako Nakakatunaw ang bawa’t titig mo
(REPEAT CHORUS)