Lyrics: Genesis Lago
Music: Guddhist Gunatita/Trvmata/Illest Morena
Guddhist intro
Ikaw ang gusto na makasama
Samahan mo'ko tuparin ang aking mga sana
Pasensya na kung ganto paraan ko mang harana
Masyado ba mabilis? Alam kong ika'y dala na
Sa mga suliranin pasanin gusto mo nang ayawan
Ramdam ko ang yong damdamin gusto mo na gumaan
Chorus
Gusto ko lang na sabihin nadarama
Ayoko na palipasin paaaa2x
Trvmata 1st verse
Gusto ko lang mangamusta
Pasensya kung minsan nauubusan ka ng pasensya sakin
Pwede bang pabagalin? Pabagain nalang natin ang gabi ng di nagmamadali
Alam kong di madali mag-isa kaya pwede ba'kong tumabi sayo at isantabi na muna natin ang ating mga pighati
Di na para gumanti ako kasi alam ko kung gano kasakit
Kahit papano ay diko naman limot na ngumiti
Sa mga sandali na kasama kita masaya ang nadarama hindi na para magsinungaling
Pagmasdan natin ang kapaligiran nakangiti rin
Kung iyong iisipin lahat posibleng mapa satin
Basta't wag mong kalimutan na ingatan ang sarili
Walang imposible kung malinis ang hangarin mo
Chorus:
Gusto ko lang na sabihin nadarama
Ayoko na palipasin paaaa2x
Illest Morena 2nd verse
anong oras na ba, tatlong taon na rin mula nung una kang makita
la na kong balita pero araw araw pa rin kitang pinagdarasal nang medyo matagal
upang ang aking pagod at sakit ay matanggal
handa 'kong tumakbo't humabol kahit na hingalin man ay ayos lang (di ako magdaramdam)
manatali ka lang saking tabi
palaging kapiling araw o gabi
sarado ang tenga sa sabi-sabi
kase 'di hahayaang mawalay ulit
sayo, ito ang totoo, kaw ang kahinaan at lakas ko
damahin natin ang simoy ng hangin, kung di man palarin ay ayos lang sakin at
asahan mo na di ka pababayaan
ilang unos man ang ating madaanan
sakin kumapit ka,
di ka nag iisa
asahan mo na di ka pa babayaan
ilang unos man ang ating madaanan
dito ka lang sinta,
tayo lang dalawa
Chorus:
Gusto ko lang na sabihin nadarama
Ayoko na palipasin paaaa2x