Lyrics: Ralph Antonin Castor/Rocel Dela Fuente
Music: Ralph Antonin Castor/Rocel Dela Fuente
Pare-pareho ang mukha nakakasawa
Uuwi na lang wala namang mapapala
Nang makita ka meron ka pang kasama
Halata sa ‘yong wala ka lang nagagawa
Ba’t pumapayag kang ginaganyan ka lang
‘Di niya ba alam ang daming nag-aabang sa ‘yo
‘Di niya man lang mahawakan ang ‘yong kamay
Hindi man lang siya nagagalit
Na ako na ang ‘yong kasayaw, oh ooh
At kahit saglit ay hindi ko nakikita
Siya’y tumatanaw sa ‘yo
Relax ka lang
Ikaw ay humingang malalim
‘Wag na ngang
Mangamba at alisin ng maskara
Sa ‘kin ligtas ka ‘wag kang mag-alinlangan
Alinlangan (yeah)
‘Di mo na kailangang magtiis
Kung sa kanya lahat wala lang
Hindi ka nga niya matignan
Kumpara sa ‘kin ika'y napakakinang
Ba’t pumapayag kang ganyan itrato
Ipapaklaro sa ‘yo ang reyalidad
O sadyang tinatago
Nang ‘di mabago
At ‘di ka niya palitan
‘Wag kang matakot kung may iba nang gagawa
Para sa ‘yo ng bagay na ‘di niya magawa
Kaya kung ‘di mo siya masisingil
Buong ako sa ‘yo ko ipatitikim
Hayaan mo ‘ko na alisin
Ang ‘yong pananabang
Hanapin ang kiliti mo para lang alam mo
Kaya ko ‘yan tuparin ng mahabang usapin
Dapat lang malaman din na masasaktan kaya
Relax ka lang
Ikaw ay humingang malalim
‘Wag na ngang
Mangamba at alisin ng maskara
Sa ‘kin ligtas ka ‘wag kang mag-alinlangan
Alinlangan (yeah)
‘Wag ka nang mag-alinlangan
‘Wag ka nang mag-alinlangan
‘Wag na, ‘wag na…
‘Wag na, ‘wag na, ‘wag…
‘Wag ka nang mag-alinlangan
‘Wag ka nang mag-alinlangan
‘Wag na, ‘wag na…
‘Wag na, ‘wag na…
‘Wag na, ‘wag na, ohh…
Ohh…
Ohh…
Ohh…
‘Wag…
Ooh…
Yeah yeah
Nanana…
Nanana…
Ohh…
Ohh…
Ohh ooh…
Haa…