Lyrics: Johnrick Rodolfa Valdez/Amika Naomi Visperas Bernabe
Music: Johnrick Rodolfa Valdez/Amika Naomi Visperas Bernabe
Oo baliw na sa pag-ibig ‘di na ‘ko makawala
Sinubukan ‘kong tumakas pero wala ‘kong nagawa
Bilanggo sa pagmamahal di alam kung san ‘to papunta
Tila ba… tila walang napapala
1st Verse:
Nakaka-baliw mag-mahal sabi nila pag tinamaan ng lintik
ang puso kayang mag-iba
Di mo alam kung san ka mundo neto pwedeng madala
Hanggang sarili mo ay hindi mo na tila kilala
At pagka-tinapik ka pag kinalabit ka lalapitan mo at syempre mas mananabik ka
Kala mo ay yun na pero may tanong sa isipan mo kung ito ba ay itutuloy pa
Walang matalino sa pag-ibig pwedeng mabaliw kahit sino
mayaman o wala babagsak pati guro
Hindi itinuturo kahit ng ‘yong anino
Walang pag pipilian kaya taya pati pato
Oo masayang umibig bakit may nalulungkot
Sa una patawa tawa
Sa huli malulugmok
Ngiti sa mga mata kilig na pa sulpot-sulpot
Pero ang puso pati utak ay hindi magka-sundo
Hook:
Oo baliw na sa pag-ibig ‘di na ‘ko makawala
Sinubukan ‘kong tumakas pero wala ‘kong nagawa
Bilanggo sa pagmamahal di alam kung san ‘to papunta
Tila ba… tila walang napapala
2nd Verse:
Kahit anong gawin pag umiral na ang puso bawal biguin meron taong ituturing na parang bituwin at magiging sanhi ng kalungkutan mo ay ito rin
Kapag ikaw na ang nadale
Ito ay dimo masasabi
Napaka-daming mangyayare
Hanggang sa di kana makawala
Pag umibig kakapunit sige laban sa tukso
Hahabulin ang sarili mapapagod pag takbo
Di nahanap di nahuli nabaliw nang iwan
Kaya sinong magsasabi
Kung bakit ako naging ganito
Hook:
Oo baliw na sa pag-ibig ‘di na ‘ko makawala
Sinubukan ‘kong tumakas pero wala ‘kong nagawa
Bilanggo sa pagmamahal di alam kung san ‘to papunta
Tila ba… tila walang napapala
Ang puso’y dina pinalad sa kapalarang nilakad ang isip pagewang-gewang at nag karon na ng sayad
Sa araw di mapanatag sa gabi binabagabag
Mali parin lahat kahit na idaan ko sa amat
Hanggang sa di na nakalaya
Ng mundo ko’y di na kinaya
Sarili ay nawawala na
Hanggat sa di kona natagpuan
Sawi na ang pagka-tao sarili di na matalo
Tanaw mo sa mga mata ang lungkot di maitago
Ohh di alam kung anong gagawin onti-unti ng nagbabago aking paningin
Para bang hindi narin tama sapagkat sarili bumaba dahilan pag-ibig may sala nabigo lang sa mga sana
Nawala yung dating pag-asa pagka-tao’y di na kilala
Oo baliw na sa pag-ibig