Lyrics: Krina Cayabyab/Aristotle Pollisco Music: Krina Cayabyab Papaano mo ba malalaman kung ang katuwiran ng 'yong hangarin ay ang wasto at tapat? Hanapin mo sa pag-aninaw
Papaano mo nga ba mahaharap ang pangyayaring maaaring magbigay pahamak? Hindi mo kaya nang mag-isa
Hahayaan mo bang tumuloy-tuloy ang paulit-ulit na pasisiil? Oras na para alintanahin
Baka nama'y iba ang 'yong karanasan Ngunit nandito ka at kapwa nitong bayan Makisama at pagnilay-nilayan Balikan ang dapat tandaan
Sindihan! Ang 'yong paniniwala't paninindigan Sindihan! Kasama natin ang Diyos sa bayanihan Sindihan mo ang pananampalataya Ikaw ang liwanag sa duyan ng bayan.
Papaanong iwasang malunod ang mga kuwentong umaawit ng totoo? Humakbang para sa katarungan
Pilit ba nating takpan ang mga tainga sa mga boses na dumaraing at nawawala? Alalayan mo ng pag-asa
Hindi ba natin nararamdaman ang halo-halong pulso ng nakararami? Oras na para alintanahin
Baka nama'y iba ang ating karanasan Ngunit nandito tayo't kapwa nitong bayan Makisama at pagnilay-nilayan Balikan ang dapat tandaan
Sindihan! Ang 'yong paniniwala't paninindigan Sindihan! Kasama natin ang Diyos sa bayanihan Sindihan mo ang pananampalataya Ikaw ang liwanag sa duyan ng bayan.
Ga’no kalalim ang kaya mong lusungin? Ga’no kainit ang kaya mong magpadarang? Mapanganib ay lulusungin Puwede mo bang akuin kahit walang makaalam? Alang-alang sa paniniwala Kung sa’n mo nakuha ang tunay na pagmamahal Malasahan man natin ang luha hindi man humupa Maghintay man ng matagal Diligan ang mga tuyong damdamin at pusong bumubulong Kahit na uhaw na uhaw ka na kaya mo pa rin ba na hindi uminom? Latayan ng ‘yong balat, tinig ay ‘di mamamalat Walang sumisigaw Hawak ang pangako na binitawan, iniliwan gamitin mo na tanglaw ‘Pag nasa dilim at dumidiin ng paninikil ‘di bibiguin Dahil mas malalim ang ugat ng aming pag-ibig kahit buhay may kitilin Bawat patak ng dugo, pagkataong bumubuo Manakaw ay hindi mananatiling buo para sa bayan ‘di yuyuko Wangis may ikubli Pero ga’no kalalaim ang kaya mong lusungin? Ga’no kainit ang kaya mong magpadarang?
Kay dali nga namang sumuway Kay dali nga namang manisi Manguna na tayo't ilabas ang tanglaw Wag kalimutan ang dapat tandaan!
Sindihan! Ang 'yong paniniwala't paninindigan Sindihan! Kasama natin ang Diyos sa bayanihan Sindihan mo ang pananampalataya Ikaw ang liwanag sa duyan ng bayan. Ikaw ang liwanag Ikaw ang liwanag Sa duyan (Sa duyan ng) Sa duyan ng bayan.