Ang Bilis Naman

Lyrics: Jonel Navarro Music: Jonel Navarro Ang bilis naman Di ko matanggap Meron ka na agad iba.. Diba halos kakhiwlay lang nating dalawa Tapos meron ka na agad.. Kaya pala parang okay lang sayo na inawanan ako Dahil may nagpapatibok ng puso mo Kaya tanong ko lang sa iyo Minahal mo ba talaga ako.. Kaya pala ayos lang sayo na tayo'y maghiwalay Dahil meron ka na palang iba Bakit ganto oh.. Ang bilis mo naman na palitan ako Sobrang sakit sakin lahat ng to.. Parang kahapon lang nung ikaw ay nag pasya Na tapusin na kung ano man ang namamagitan sating dalawa Inunawa kita dahil pinaniwalaan ko ang mga sinabi mo Na mas gusto mo muna ng katahimikan upang ayusin ang sarili mo Kaya kahit masakit man sakin mas piniling ika'y palayain At mag hintay nalang sa sandaling ako ay muli mong kailanganin Dahil ang sabi mo sakin na ok lang lahat wag akong mag alala Pero lahat pala ng mga sinabi mo ay pamamaraan lang pala Upang meron kang maidahilan para ako ay mahiwalayan Bakit di mo nalang pala ako diniretso dahil ganon din naman Pasasaan pa't malalaman ko din ang lahat pero ang mas masaklap Tatlong araw palang tayong wala pero may iba ka na kaagad Bakit hindi mo na lamang sinabing may iba ka nang kinahuhumalingan Di yung pinapaniwala mo pa ako sa iyong mga kasinungalingan Kung ano ang ikinatagal mong mag reply mula nung ika'y nanlamig Ay sya namang ikinabilis mong makahanap ng aking kapalit Kaya pala ayos lang sayo na tayo'y maghiwalay Dahil meron ka na palang iba Bakit ganto oh.. Ang bilis mo naman na palitan ako Sobrang sakit sakin lahat ng to.. Kaya pala ayos lang sayo na tayo'y maghiwalay Dahil meron ka na palang iba Bakit ganto oh.. Ang bilis mo naman na palitan ako Sobrang sakit sakin lahat ng to..