Music: Set suna MAGLIYAB feat. Lean Ansing
pakingan mo aking awiting na tayo ang syang paksa
papapigil ka pa ba kung meron ka ng kasangga
ramdam mong nag lalagablab bawat titig ng mata
parang bulkan na sumabog na ngayon nanalanta
kahit na pila pila silang di naniniwala sa
mga tirang tila dinamita ay iniinda
babalik na bilang bidang di mo na mauuga
papanik na kitang siga na kumpyansa ang dala
palaban to sa plano, babalagbag pag ahon
ipakita mo sa kanilang di ka mabibilog
sawa kana ba na matalo, panimula to na bago
heto na ang panahon para bumawi kaya ibigay mo ng todo!
Di nyo kami mapipigilan tumalon at gumalaw...
Bawat isa sa atin may kalayaan sumigaw...
Wag kang matakot sumabay hawakan ang aking kamay
Wala ng maiiwan pa..
Ohh ito na ang ating araw ng bawat na ka tanaw
Hindi ka na mag iisa...
Mag wala! Tumalon! Humiyaw at Magliyab!
Mag wala! Tumalon! Humiyaw at Magliyab!
Anata wa mo iteimas..
papalagan ko kung san man ako makarating
dadaigin ko kahit na sino pa yang sakim
sasalubungin ko lahat yan ng nanakangiti
at nang makita mo kung sino yung magwawagi
sasalubungin ko lahat yan na nanakangiti
at nang makita mo kung sino yung magwawagi
ano man mangyare pakatandaan mo sana
na kahit ilan pang dagok ay hindi ko alintana
ngayon ka sakin sumabay hindi kana mag iisa
at nang maramdaman mo na dito ka tinadhana
Wag kang matakot sumabay hawakan ang aking kamay
Wala ng maiiwan pa..
Ohh ito na ang ating araw ng bawat na ka tanaw
Hindi ka na mag iisa...
Mag wala! Tumalon! Humiyaw at Magliyab!
Mag wala! Tumalon! Humiyaw at Magliyab!
Mag papapigil ka ba eh nanggigigil ka na imulat mo ang iyong mata...
Mag papapigil ka ba eh nanggigigil ka na ilabas mo kung sino ka...
Mag papapigil ka ba eh nanggigigil ka na ipakita mo kung sino ka!!!
Wag kang matakot sumabay hawakan ang aking kamay
Wala ng maiiwan pa..
Ohh ito na ang ating araw ng bawat na ka tanaw
Hindi ka na mag iisa...
Mag wala! Tumalon! Humiyaw at Magliyab!
Mag wala! Tumalon! Humiyaw at Magliyab!
Nana-kai taorete mo wā-kai okiru