Everyday

Lyrics: John Elvis Narisma Music: John Elvis Narisma Mainit sa jeep, makiki-siksik Ang bungad sa umaga pagkatapos ng maiksing idlip araw-araw to mula no'n, ngayon pangatlong taon Kasing edad na rin ng suot kong pantalong maong
Makiki-sindi, makiki-hithit makiki-sama sa mga katrabaho na may lihim na inggit kung meron lang sana 'kong choice ay ginawa ko na 'yon ngunit tila mailap sa tulad ko ang pagkakataon
Kayod kabayo na ang tao kakahabol ng Bills niya Sahod, di pa nasilip payslip, yung pay nag-slip na sobrang stress na, ang peslak mukha ng myembro ng slipknot maka-abot lang sa quota, di natulog, SLEEP NOT
double meaning, double job yata dapat karerin Ang buhay ay parang EDSA, di ka patatawirin kung ika'y tatamad-tamad at babagal-bagal Kung di ka magiging mautak tyak ikaw ay aapihin ng sistema
Buhay ay i-celebrate may pag-subok man everyday hangga't naman humihinga at bumabangon pa makakaraos anyway
Buhay ay i-celebrate isipin lang na everyday may bagong pag-asa pa, kaya lumaban ka makaka-ahon anyway
Imbis humikbi, magpaka-VICTIM sarili ay sisihin at isipin na wala kang silbi para may magbago sa kinalalagyang sitwasyon wag problemahin ang problema, problemahin ang solusyon
Kung naiinis, minsan mag-timpi aralin din na may mga panahon na kailangan mong humindi wag kang basta magpapadala lang sayong emosyon ikaw magdala, dapat ikaw ang nagko-control nun
Lagi mong tatandaan hangga't buhay ka walang FOREVER e'rthing happens for a reason, not for worse but for better Challenges are blessing in disguise to get you stronger and more clever so just keep going, never give up, keep the faith, NEVER Surrender
Kung bad day ka ngayon, Tomorrow's another day it seems impossible but trust that GOD will make a way wag mabahala, SIYA bahala, kung plano mo di pa nagana mas maganda pa na tadhana ang naka-abang, just wait and pray
Buhay ay i-celebrate may pag-subok man everyday hangga't naman humihinga at bumabangon pa makakaraos anyway
Buhay ay i-celebrate isipin lang na everyday may bagong pag-asa pa, kaya lumaban ka makaka-ahon anyway
sana'y laging maalala sa mga panahong parang wala na na meron kang makakasama, tuminga ka lang Siya ay naka-abang na alalayan ka sa araw-araw dahil sa Mahal Ka Niya