Lisan

Lyrics: Vilmark Viray Music: Vilmark Viray Bawa’t araw, kasama ka Bawa’t minutong kapiling ka Sinanay mo ako na laging nandiyan ka Pa’no na ngayong wala ka na
Refrain: Kay sakit ng pinadama ’Di alam kung sa’n mag-uumpisa
Chorus: Ikaw ang hiniling Ikaw ang talang nagniningning Sa paglisan mo, ’di alam ang gagawin Habang buhay na ika’y mamahalin
Ipilit mang kalimutan ka Ipikit man aking mga mata Mga ala-ala mong nagpapasaya Pa’no na ngayong wala ka na
(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus)
Habang buhay na ika’y mamahalin
(Instrumental)
Bridge: Pa’no, saan magsisimula Mga pinangarap biglang nawala Sa ’yong paglisan, ika’y pauubaya Aasang muling magtutugma
(Repeat Chorus)
(Repeat 1st stanza)