Lyrics: Anthony Pangilinan/Aristotle Pollisco Music: Anthony Pangilinan/Michael Jes Regala/Mark Allan Ocampo/Louie Miguel Domingo/Jandel Jacques Hipe/Aristotle Pollisco Alam mo naman na 'di mo na kailangan Na dayain ang sarili mo Mga pakpak mo ay ibuka mo lamang Abutin ang pangarap mo
Lumipad sa alapaap Humiga sa mga ulap Maging malakas sa mga humahatak Mga pabigat sa pag-angat
Basta magtiwala sa sarili Huwag kang maniwalang imposible Huwag kang umatras, puro abante Hanggang ang maliit, maging higante
Huwag kang matatakot na magkamali Minsan ma'y nadadapa, babangon muli Lumuha man o masaktan, tuloy ang laban Sa bandang huli, ang tagumpay ay makakamit
Marami nang pagkakataon Nasasayang ang panahon Kung katulad kahapon, 'di pa rin makaahon Lumabas ka sa iyong kahon
Lumipad sa alapaap Humiga sa mga ulap Maging malakas sa mga humahatak Mga pabigat sa pag-angat
Basta magtiwala sa sarili Huwag kang maniwalang imposible Huwag kang umatras, puro abante Hanggang ang maliit, maging higante
Huwag kang matatakot na magkamali Minsan ma'y nadadapa, babangon muli Lumuha man o masaktan, tuloy ang laban Sa bandang huli, ang tagumpay ay makakamit
Tandaan mo lamang ang sinabi ko Sa 'yo, walang iba kundi ikaw Sino man ay walang gigiba nito Matatalo ka lang 'pag umayaw
Pilitin mang palubugin, ani mo ay bulukin Huwag mo lamang pansinin, laban Tapos, gapos mo ay kalagin, dunong ay palaguin Ikaw ang aani ng yaman Isang bata na kapos Pero ang bulsa'y puno ng pangarap na handa niyang tayaan 'Di baleng maghikahos, siya'y makikipagsabayan Mananalo kahit pa may dayaan
'Di ko sasabihin 'to kung 'di ko 'to dinaanan Isipin mo ang lahat ng mga payo at binilin ko Upang hindi ka na matibo sa mga bubog na 'to, pero
Huwag kang matatakot na magkamali Minsan ma'y nadadapa, babangon muli (babangon muli) Lumuha man o masaktan, tuloy ang laban (tuloy ang laban) Sa bandang huli, ang tagumpay ay makakamit
Ay makakamit Ay makakamit Ay makakamit