Lyrics: Mark Ian Lopez/John Paul Rosales/Aar Abainza/John Cedrick Principe/Eldred Llanera
Music: Mark Ian Lopez/John Paul Rosales/Aar Abainza/John Cedrick Principe/Eldred Llanera
Target namin M’s
Buong gang lahat naka aim
Naka ice 'rari gold chains
'lam mong 'di tayo the same
Nakalatag mga plano bigger frame
Millis bibilangin
All eyes sa'min
Target namin M's kasama buong gang
Nagpakalango sa bara hanggang kami malasing
Nung pumasok na sa game bawal na ang maging lame
Kailangan na mag-gain tira dapat mala-dame
Nung pinalibyab ni flame dami na ngang naaning
'Di mo nga nabiblame pagsikat naging fame
Milly's aming icaclaim just to make it rain
Susukatin lakbayin sadyang aming marating
Tatagpasin ko muna mga harang sa daan
Tatapatan nanguna hanggang sa malagpasan
Tatanghalan kakantahan bawat mapuntahan
Susugalan gagampanan tungong karangyaan
Madami dyan magaling yung iba hindi pansin
Dyamante sa lupa kung sakaling ihambing
Paangat na't parating aminanga't inangkin
Anak ka ng tupa kami naman yung kambing
Pakinggan mong maigi mga sulat at titik ko
Maginoo palagi mga lirycko kung isa ka sa kritiko
Lawakan mo ang isip mo hindi dapat makitid no
Dikit dikit na multi to na ultimo kikiliti sa tenga mo
Hindi na mapipigil to katulad ba ng hilig ko
Higit pa to sa nais ko wag mo na kukumpara
Kung kumbaga hindi sayo na papasa
Ito na nga't tinutok nung kumasa
Target namin M’s
Buong gang lahat naka aim
Naka ice 'rari gold chains
'lam mong 'di tayo the same
Nakalatag mga plano Bigger frame
Millis bibilangin
All eyes samin
Malayo layo pa man aming lalakbayin
Sakto at malayo din ang gusto marating
Marami Rami pa man mga dapat na gawin
Di na para mag reklamo ideretcho tingin
Sarili hinuhubog sa gusto lang ding maging
'Di kasi pupwedeng umasta lang magaling
Binigay isang daan di lang basta humiling
Mag tataka pa ba bakit san ba to na galing
Taga Joriz to ma men!
O sige kami naman
A's on game nanatiling palaban kahit na ilang beses pinag kaitan
Ay hinde pinabayaan kami maging talunan
Kaya Araw araw kagustuhan ay tumindi
Di ako pupwede mawalan ng silbe
Para sa hangarin sa pamilya at ka grupo ko alam ko kailangan ko rin na tumindig
Puso at karanasan lang din ang bitbit
Tsaka yung dala ko na nakasiksik
Kasama sa lahat sa ginhawa at sakit
Pang padagdag alab para dito saking dibdib
Nakatingin lang din sa gustong masungkit
Kalmadong nangigigil sa baba gusto ng pumuslit
Kaso lang andami pang kailangan na baguhin
Kaya kaya kaya wala ng patumpik tumpik
Target namin M’s
Buong gang lahat naka aim
Naka ice 'rari gold chains
'lam mong 'di tayo the same
Nakalatag mga plano Bigger frame
Millis bibilangin
All eyes samin
Target namin M’s
Matamis parang M&M’s
Mabangis na galawan
‘La sa evidence
Mga tropa na nabiyayaan ng intelligence
‘Lam mo na sino ang influence
Ha? Ano kamo?
Tipong ayaw mo sakin tas ginagaya mo ko
Tapos naghe-hate ka kasi ginagawa ko
Sayo yung mga bagay na saki’y ginagawa niyo
**** y’all snakes
Anyway, tuloy sa pagbe-bake.
Maliit na circle, bigger cake
Kailangan mo ng Brick
I mean
Kailangan mo ng Break
Spotlight dapat nakatutok
‘Di yung sticks
At iwas sa fakes
Sa lalong madaling panahon
‘Di na pwedeng madamay sa mga katangahan non
Kung nagkamali ay pwede mong itama to ngayon
Tumalon ka na hanggat meron pang pagkakataon
Kase ang buhay ay napakagrabe
Kapag ika’y wala na, wala kanang rebanse
Lahat itinaya ko
Sa Diyos ko naka-kase
Kaya manalo, matalo pare hindi na bale
Kaya aking binabale
Mga pangakong napako na dati
Ngayon handa ‘kong ibaon yung bago sa karwahe
Kahit magkanda kuba ‘tong kabayo bawat byahe
Kahit magkandatirik pa tuloy kase
Target namin M’s
Buong gang lahat naka aim
Naka ice 'rari gold chains
'lam mong 'di tayo the same
Nakalatag mga plano Bigger frame
Millis bibilangin
All eyes s'amin
Focus lang sa goal at wala ng iniisip
nangyayare na mga dating panaginip
Kung ayaw makinig di ka namin pinipilit
Itikom ang bibig at sa gilid manahimik
Tuloy tuloy lang sa aming mga ginagawa
Balang araw meron ding mapapala
Kahit na andito pa sa ibaba
Sa eksena hindi na mawawala
Target namin M’s
Buong gang lahat naka aim
Naka ice 'rari gold chains
'lam mong 'di tayo the same
Nakalatag mga plano Bigger frame
Millis bibilangin
All eyes s'amin