Lahat Ng Bukas (Live)

Lyrics: Raphaell Ridao Music: Raphaell Ridao Dami nang naipong mga luha Dami nang rason na magduda Sa lahat ng nagawa ‘di sapat ang salita Payagan at aking ipapakita
‘Di hahayaan na masira pa muli ‘Pagkat minsan ako’y nagkamali Nagkamali
Lahat ng bukas ay ibibigay Hawaka’t ‘wag bitawan aking kamay Takot ay ibubura Pangako magtiwala na Lahat ng bukas ay ibibigay
Kasamang tumingin sa mga tala Takbuhan ‘pag ika’y nawawala Malayo ang hinaharap sa pait ng nakaraan Bukambibig na ’yong maaasahan