Anak Ng Bayan (feat. Popot Suapero)

Lyrics: Danilo Famero Fabella Music: Danilo Famero Fabella Inay, Itay, ako po ay lilisan Patutunguhan ko ay isang digmaan Mag-aalay ako ng panahon at buhay Para sa kalayaan Inay, Itay, wag kayong mag alala Inyong pagmamahal ay lagi kong madarama Sa marami pang ama at inang mapagkalinga Sa tahanang alay nila Sa aking pag alis, kayo'y hindi rin mawawalan Libong anak sa inyo'y laging magdaraan Katulad ko ring mabubuting anak ng bayan Pagbati ko sa inyo'y ihahatid nila Silang anak nyo rin at kasama Kasabay ng mga ngiti sasabihin nila: Inay, Itay, kumusta na? Inay, Itay, sa ating paglalayo Pinapangako kong hindi tayo mabibigo Ang ating hangad na malayang bukas Ay tiyak na matutupad Sa aking pag alis, kayo'y hindi rin mawawalan Libong anak sa inyo'y laging magdaraan Katulad ko ring mabubuting anak ng bayan Katulad ko ring mabubuting anak ng bayan