Pinas to Riches

Lyrics: Aaron Dettman/Kelvin Ramos Music: Aaron Dettman/Kelvin Ramos Pilipino by blood sagad hanggang sa bone Money on my mind naka implant na sa dome Madami gumalaw pare kala mo may clone Blessings on blessings di nawawala sa zone
From peso to dollars Galing zeros ngayon ay nagka commas Buhay na maganda dito na dinanas No complaints, kasi buhay ko ang angas
Daming shit ang sinubukan Mga diskarte ko sa buhay tinutukan Kalkulado di ko hinulaan Mga problema di ko sinukuan
Mga panget na habit inalis Kaya handa kapag sinalang mo sa test Bawat tanim may interest Kaya natatanaw ang aking pag succ-ess
Stay consistent to be the best Kinilusan muna bago nag recess Inulit ulit ang sarap sa feeling Kaya nag bibilang na lang sa aking desk
K-LV Verse: Ano kaya ko kung di ko natakasan yung nakaraang kong magulo? Buti na itigil ko gawain ko nung gago. Sarili iniahon, balasa ng baraha ng buhay ko binabago.
Lasa ng tagumpay iba pag galing ka sa hirap. Gamay pag pinulikat ka sa sitwasyong mahirap. Taas noo tinutuloy tuluy ang pagsisikap. Kahit na gaano kasikip makikipagsiksikan.
Sinusulit ko oportunidad na sakin binigay. Nilakbay ko yung buhay ng sarili ko lang gabay. Pera na mula sa utak, sa bulsa nailagay. Sumabay ng sumabay, hanggang sa mapalagay
Pag Usapan natin yung kasalukuyan. Wag na yung tinalikurang kalungkutan palit temang masaya. Pwede nang magpahinga ng di saglitan habang pera gumagana ng mabisa pero di nagpabaya.
Nakukuha na gusto hindi lang mga kailangan. Komportable di mayaman di ko pwede na hayaan na yung pera sa aking ulo kailanman magpalaki. Sarili madalas makalaban kesa maging kakampi.
O Malayo pa pero layo na sa dati. Humahabol na asahan mo na laging paabante. Kung sakaling maghihirap, alam ko na agad pano babanse. Kalkulado ko yung oras, alam ko kung pa paano ibalanse
O Malayo pa pero layo na sa dati. Humahabol na asahan mo na laging paabante. Kung sakaling maghihirap, alam ko na agad pano babanse. Kalkulado ko yung oras, alam ko kung pa paano ibalanse